Saturday, May 19th

Last update09:28:58 AM GMT

Balita Italya Huling mga araw para sa questionnaire ng Census

Huling mga araw para sa questionnaire ng Census

  • PDF

Questionnaire ng Census kailangang i-submit hanggang Feb 29. Kung hindi, ay maaaring mamultahan hanggang sa 2000 € at maaari ring ma-kansela sa Anagrafe

altRoma - Pebrero 20, 2012 – Peb. 29 na ang deadline ng submission ng mga questionnaire ng Census. Huling panawagan bago sumapit ang deadline nito para miawasan ang kaukulang multa at ang posibleng epekto nito.

Matatapos sa katapusan ng buwang ito ang deadline para sa pagbabalik ng mga questionnaires na ipinamahagi ng Istat nang hindi nanganganib na mamultahan. Ayon sa legislative decree n. 322 ng 1989, ang hindi magbibigay ng tamang personal informations (o sadyang magbibigay ng hindi tamang impormasyon o hindi kumpleto) sa katunayan ay maaaring mamultahan mula sa 206 hanggang 2065 €.

Para sa mga imigrante ay maaaring maging mas mabigat ang parusa, dahil maaaring makansela mula sa registry office o Anagrafe at samakatuwid ay magre-resultang hindi na residente sa bansang Italya. Ito ay magkakaroon ng malubhang epekto, halimbawa, sa pagbibilang ng mga taon ng paninirahan sa bansa na kinakailangan para sa aplikasyon ng citizenship o upang makatanggang ng benepisyo ng housing project (case popolari)  buhat sa pamahalaan.

Upang malaman kung paano at kung saan dapat isumite ang mga aplikasyon, makipag-ugnayan sa toll free number 800069701.


Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com
Comments
Add New Search
Write comment
Name:
Email:
 
Website:
Title:
UBBCode:
[b] [i] [u] [url] [quote] [code] [img] 
 
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

Last Updated on Monday, 20 February 2012 11:42