Wednesday, Oct 22nd

Last update07:25:39 AM GMT

Dalagitang Pinay, natagpuang tulala




Wala sa sariling natagpuan ang isang dalagitang Pinay dahil sa panggagahasa ng isang binatilyong Pinoy.

altRome, Abril 20, 2012 - Isang dalagitang Pinay, 15 taong gulang, ang tulalang natagpuan kahapon ng hapon sa Piazzale La Farina, sa Milan. Ang dalagita ay nakahiga sa isang bench sa nasabing lugar at wala sa sariling kasama ang ilang kabataang Pinoy. Ayon sa mga report, isinugod ang dalagita ng 118 una sa klinika ng De Marchi at pagkatapos ay inilipat sa Mangiagalli.

Sa ospital, ayon sa inilathala ng Ansa, ay isinalaysay ng dalagita ang mga pangyayari. Ayon sa biktima, kasama ang kanyang kaibigan ay hindi sila pumasok sa eskwela kahapon, araw ng Huwebes at sa halip ay nagtungo sa bahay ng isa sa dalawa pa nitong kasamang binatilyo at dito ay sama-samang nag-inuman ang mga ito. Pagkatapos ay naganap ang panggagahasa sa dalagita ng isa sa dalawang binatilyo. Ito ang sanhi ng pagkakatulala ng dalagita.

Kasalukuyang iniimbistigahan at kinikilala ng awtoridad ang mga nasasangkot na kabataan sa krimen.

 


Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com