Roma, 22 Pebrero 2012 - Inaresto ng mga pulis ng Roma Salaria ang isang 22 taong gulang na Romano, may police record, sa salang panghoholdap nito sa kasing edad na Filipino para ibili ng drugs. Ito ay naganap noong nakaraang gabi.
Pinoy hinoldap sa Salaria
Bagong amount ng maternity at family allowance sa taong 2012
Tulong para sa mga bagong ina at malalaking pamilya. Narito ang halaga para sa taong 2012 at halagang itinalaga ng Ise (Economic situation indicator)
Roma - Pebrero 20, 2012 – Ang pagtaas ng cost of living ay samakatuwid nagbabago rin ang halaga ng maternity allowance at family allowance na ibinibigay ng mga Comune para sa mga bagong ina at malaking pamilya. Ang tulong pinansyal ay para lamang sa mga mas nangangailangan, batay sa tagapagpahiwatig ng pinansyal na sitwasyon (Ise) ng pamilya, na kinakalkula ng libre sa mga CAF o Fiscal Assistance Center.
Huling mga araw para sa questionnaire ng Census
Questionnaire ng Census kailangang i-submit hanggang Feb 29. Kung hindi, ay maaaring mamultahan hanggang sa 2000 € at maaari ring ma-kansela sa Anagrafe
Roma - Pebrero 20, 2012 – Peb. 29 na ang deadline ng submission ng mga questionnaire ng Census. Huling panawagan bago sumapit ang deadline nito para miawasan ang kaukulang multa at ang posibleng epekto nito.
Last Updated on Monday, 20 February 2012 11:42
Pito sa bawat sampung dayuhan ay dumadanas ng post traumatic stress disorder
Sa isang sample ng 391 migrante na binisita ng serbisyo ng klinika ng Caritas ng Roma ng mga taong nahihirapang ma-integrate at mga refugees, 73.65% ang iniulat na malubhang nahihirapan sa buhay sa Italya at higit sa 10% ang dumadanas ng isang post traumatic stress disorder.
Roma, Pebrero 17, 2012 - Ang mga datas na lumabas sa pamamagitan ng pag-aaral ng Caritas sa pakikipagtulungan ng Focal Point na higit sa 7 sa bawat 10 dayuhan na nakatira sa Italya ang nasa malubhang kondisyon. Bukod dito, higit pa sa 10% ang dumadanas ng post traumatic stress disorder, na kinukumpirma na ang konsepto ng pag-aalaga ay isang pangkalahatang konsepto at hindi lamang para sa pang-terapeutikang operasyon. Sa mga imigrante ay mahalagang pagtuunan ng pansin ang paghihirap mental na maaaring sanhi ng matinding kakulangang materyal nang hindi kakaligtaan ang pinagmumulan nito at ang kalungkutan ay maaaaring maging sanhi ng isang karamdaman ng parte ng katawan na hindi nakikita.
Last Updated on Monday, 20 February 2012 11:23
Olympics 2020 sa Rome, tinanggihan ni Monti
“Hindi ito ang panahon upang maglaro”
Roma, Pebrero 15, 2012 - “Sa panahong tulad nito, hindi mahalaga ang partesipasyon ngunit ang manatiling nakatayo, ang maisaayos at masaiba ang kaban ng bayan na nagmula sa mga sakripisyo at huwag hamunin ang tadhana. Para sa mga laro at mga pustahan, marahil ay darating ang tamang panahon”.
Isang masusing pag-
aaral para sa nakaraang dalawampung taon ang tila isang makabuluhang halaga para sa Olympics 2020 ang ginawa ni Monti. Bilang resulta, isang unanimous decision mula sa konseho ng mga ministro ang magtatapos sa nomination ng lungsod ng Roma bilang host country sa darating na Olympics 2020.
Last Updated on Wednesday, 15 February 2012 15:16






