Saturday, May 25th

Last update08:26:53 AM GMT

Lahat ng detalye ng mga bilang ng bagong direct hiring




Ang bagong ‘direct hiring’ ay nagpapahintulot sa pagpasok ng 86.580 manggagawa mula ibang bansa at 11.500 naman ang convertion ng mga permit to stay. Narito ang detalye ng mga bilang.

ENTRY

entries para sa dependent employment, lahat ng sektor, laan para sa mga mamamayan ng Bansang may kasunduan sa Italya;

52.080*

entries para sa domestic workers (household service workers, caregivers, babysitter atbp.) mamamayang sa Bansa na may nakalaang kota;

30.000

reserbang entries sa mga dayuhan na nagsanay at nag-aral sa country of origin;

4.000

reserbang entries para sa mga manggagawang may italian origin (magulang, grandparents o great grandparents) residente sa bansang Argentina, Uruguay, Venezuela o Brazil na nakatala sa listahan ng mga manggagawa sa italian consulate.

500

CONVERSIONS

permit to stay for study reason to permit to stay for dependent employment

3. 000

permit to stay para internship at/o pagsasanay sa permit to stay for dependent employment

3.000

permit to stay for seasonal job sa permit to stay for dependent employment

4.000

Permit to stay CE for long term period issued issued by other EU countries to permit to stay for dependent employment

1.000

Permit to stay CE for long term period issued issued by other EU countries to permit to stay for dependent employment

500

TOTALE

98.080

*4500 Albania; 1000 Algeria; 2400 Bangladesh; 8000 Egypt; 4000 Philippines; 2000 Ghana; 4500 Morocco; 5200 Moldavia; 1500 Nigeria; 1000 Pakistan; 2000 Senegal; 80 Somalia; 3500 Sri Lanka; 4000 Tunisia; 1800 India; 1800 Perù; 1800 Ucrain; 1000 Niger; 1000 Gambia; 1000 other non-EU countries concluding agreement with Italy.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

PERMIT TO STAY SA MGA INABUSONG MANGGAGAWA

 

Radicals: Maroni, tamang aplikasyon ng batas. Isang solusyon sa panlilinlang ng huling regularization

Ayon sa Batas ng Immigration (o Testo Unico sull’Immigrazione) ay binibigyan ng permit to stay ang sinumang nasa sitwasyon ng ‘karahasan o malubhang pagsasamantala’, ngunit hindi ipinapatupad ng mga Questura (Punong-himpilan ng Pulisya) upang protektahan diumano ang mga manggagawang hindi regular. Ang Kalihim ng Radicali Italiani, Mario Staderini at Gaoussou Ouattara, isang miyembro ng National Executive Committee, ay inakusahan sa isang open letter ang Minister of Interior, Roberto Maroni.

"Ang Artikulo 18 ng Batas sa immigration - isulat nila ang radicals – ay nagbibigay karapatan para sa ng pansamantalang permit to stay para sa dahilang humanitarian (umanitario) at civil protection (protezione civile), o para sa mga dayuhan na nasa isang sitwasyon ng karahasan o malubhang pagsasamantala " . Isang pamamaraan na maaaring gamitin hindi lamang sa prostitusyon, ngunit pati na rin - tulad ng paglilinaw sa isang circular ng Ministri of Interior noong Agosto 4, 2007 - sa lugar ng trabaho "

Ang katotohanan ay hanggang ngayon, ito ay halos hindi kailanman inaplika sa mga inabusong manggagawa, maliban na lamang kung sila ay biktima ng mga kriminal na organisasyon. Noong 2009, pinaalala ng mga radikal, 810 permit to stay lamang ang inisyu na may motibong humanitarian, at halos eksklusibo para sa mga kaganapan na may kaugnayan sa krimen ng prostitusyon, pang-aalipin at human trafficking."

Para kay Staderini at Ouattara ito ay isang labag na application sa batas, at bukod sa paglilimita sa kapangyarihan ng Estado,ito ay mag iiwas sa libu libong pagkakalugmok at pananamantala sa problema ng pagiging clandestines. Ayon kay Maroni dapat na kumilos ang mga punong himpilan ng pulis at isaayos ang mga biktima ng pananamantala.

Ito ay isa ding paraan upang tugunan ang libu-libong mga imigrante na nalinlang sa huling regularization. Isang halimbawa, ayon sa ulat ng radikal, ay ang mga pangyayari sa Verona, kung saan ang Chief Prosecutor ay naghayag ng kanyang positibong opinyon sa pagbibigay residence permit (o permit to stay) na may motibong civil protection sa migranteng nagkaroon ng tapang na akusahan ang mga nanlinlang sa huling regularization.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

PARATANG SA MGA KONSEHAL, MABILIS BINIGYAN KASAGUTAN!

Paglilinaw mula sa mga konsehal ng Roma sa mga paratang sa kanilang posisyon ukol sa Circular 29.

Mabigat na paratang sa mga konsehal ng Roma at sa representative sa Italian public offices, ang lumabas sa nakaraang protesta laban sa aplikasyon ng Circular 29 at pagpapabayad diumano ng Embahada sa mga Consular certificates noong nakaraang Huwebes sa harapan ng Embahada ng Pilipinas. Ayon sa isang interview sa presidente ng Umangat Migrante, kanyang pinaratangan diumano ang mga konsehal sa pagsasabotahe, sa dialogo sa pagitan ng Embahada at ng mga nag protesta sa mga naging pananalita nila sa nasabing dialogo.

Hindi nag atubili ang mga konsehal at matapang na hinarap ang bagong isyung ito, matapos ang unang paratang ng kanilang mahimbing na pagtulog sa harap ng isang mainit na isyu tulad ng ‘circular 29’ sa isang radio transmission sa Roma.

‘Mabigat ang pananalitang ‘sabotahe’ sa panahong kaming lahat bilang konsehal ay nagkaisa at sama samang kumilos para sa ikabubuti ng sambayanan. Hindi namin inalintana ang lakas ng ulan at bigat ng obligasyon na nakaatang sa aming mga balikat, matapos naming harapin ang direktor ng Anagrafe Centrale Ottavianelli, si Ambassador Manalo, Consul General Ibayan, Consul Salle pati na rin ang Prefetto na mismong lumagda ng Circular 29. Amin lamang pong ginampanan ang aming tungkulin ng ayon sa aming kakayahan’ mga pananalita ni Romulo Salvador. ‘Ang aming naging pananalita ay naaayon lamang sa aming naging trabaho, liban doon, ay wala kaming kapasidad na pangatawanan’, dadgdag pa nito.

‘Patuloy naming binabantayan ang paglabas ng ‘regolamento d’attuazione’ na syang magiging lunas sa lahat ng ating mga pangamba sa hirap, gastos at pagod na maaaring harapin ng bawat Pilipino ng regione Lazio at mga kalapit bayan. Kapakanan lamang po ng lahat ng Pilipino sa buong Italya at hindi ng iilang bahagi lamang ang aming inisip sa mga panahong ito. Mga salita naman ni Konsehal Pia Gonzalez

‘Dalawang buwan na kaming halos linggo linngong may meeting ukol sa bawat hakbang na aming sama samang pinag aaralan. Halos apektado na rin ang aming mga trabaho ngunit alam naming ito ay amin ring obligasyon na dapat gampanan’ ayon naman kay Jessie Ramirez, konsehal ng Municipio 1.

‘Isang magandang aral din para sa amin ang mga pangyayaring ito, patunay na ang mga Pilipino ay kayang magkaisa sa iisang hangarin tulad ng ating mga Konsehal. Ako, bilang naging parte nila para sa ‘Stranieri in italia’ at para sa CSI na nagbibigay ng serbisyon sa libu libong Pilipino, hindi naging madali ang aking ‘role’ sa loob ng grupo, ngunit ang aking mga nilahad na samu’t saring mga ‘experience’ ay naging basehan ng aming sama samang hakbang’ , mga pangungusap ni Analiza Bueno Magsino.

Bilang pagtatapos, ay isang imbitasyon mula sa grupo, marahil sa ikalawang Huwebes ng Enero para sa isang forum kung saan magiging pangunahing tagapagsalita ang mga Italian authorities upang ipaliwanag ang mga kaganapan ng Circular 29.

Isang magandang pananalita naman ang binitiwan ni Linda Balmes at Egay Bonzon ang nagsilbing inspirasyong sa ating mga kinatawan sa Comune at mga Munisipyo; Ang sugat na natatamo ng bawat sundalo, ay sugat na nagbibigay tapang sa pagbangong muli at pagharap ng panibagong ingkwentro.

 

 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

CITIZENSHIP, MGA CALL CENTER, ISASARA NA!

Mga huling tawag sa telepono hanggang  Disyembre 31. Pagkatapos nito, lahat ng impormasyon ay on line na lamang.

Ihihinto na ang pagbibigay ng mga impormasyon sa telepono para sa mga nais na maging Italyano o para sa mga nag apply ng citizenship at gustong malaman ang sitwasyon o kalagayan ng kanilang aplikasyon. Mula sa 1 Enero 2011, pagkatapos ng limang taong serbisyo, ay ihihinto na ang call center ng Ministry of Interior.

Ang tanging mapagkukunan na lang ng impormasyon ay nananatiling ang website ng ministry. www.cittadinanza.interno.it , dito ay maaaring makita ang progreso ng aplikasyon online. Matatagpuan ang isang gabay sa  http://www.stranieriinitalia.it/attualita-cittadinanza_cos_si_controlla_la_domanda_11249.html

Nararapat na magpa register muna sa website. Ito ay magbibigay ng sariling user name at password na maaaring gamitin tuwing papasok sa website ng ministry. Ang sinumang hindi gasinong sanay sa paggamit ng computer ay maaaring lumapit sa mga ‘patronato’ ng libre.

Isang malaking bahagi ng popolasyon ang magiging apektado ng mga pagbabagong ito, nasa 60,000 ang mga aplikante ng citizenship taun taon sa bansa. Ang malaman ang sitwasyon ng kanilang aplikasyon ay napakahalaga dahil inaabot ng dalawang taon matapos isumite ang aplikasyon ang approval nito.



Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

DIRECT HIRING, UUMPISAHAN NA!

TATLUMPUNG LIBONG MGA COLF, CAREGIVERS AT BABYSITTERS. MAGHANDA NA SA CLICK DAY

Pagkatapos ng dalawang taong pagpigil, muling pinapahintulutang pumasok ng bansa ang halos 100,000 mga manggagawa. Ang teksto ay nilagdaan noong nakaraang Nobyembre 30 ni Silvio Berlusconi at ito ay bibigyang bisa matapos ang publikasyon sa Gazetta Ufficiale.

Halos limampung libong bilang ang nakalaan sa mga trabahador sa lahat ng sektor ng mga bansang  may kasunduan sa Italya (Albania, Algeria, Bangladesh, Egypt, Pilipinas, Ghana, Morocco, Moldova, Nigeria, Pakistan, Senegal, Somalia, Sri Lanka , Tunisia, Indya, Peru, Ukraine, Niger, Gambia). Tatlumpung libo naman ang nakalaan para sa mga domestic helpers, caregivers at babysitters ng iba pang nasyonalidad.

Ang dekreto ay nagbibigay din ng pagkakataon sa apat na libong manggagawa na sumailalim sa mga programa ng pagsasanay sa sariling bansa, at limang daan bilang naman para sa Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil. Bilang pagtatapos ng listahan, may 11,000 na conversion din ng permit to stay sa pag aaral, internships, seasonal at permit to stay CE (na inissue sa ibang bansa Ue) sa permit to stay para sa trabaho at limang daang permit to stay CE (na inissue sa ibang bansa Ue) sa permit to stay para sa self employed.

Muli, ang mga employer ay maaaring magsumite ng mga application sa pamamagitan ng Internet at ang mga nulla osta ay ibabatay sa order ng pagsu submit ng nasabing application na naaayon sa availability ng mga bilang na nabanggit. May tatlong ‘click day’, marahil sa Pebrero, at muli, ang pinakamabilis ay ang pinakamasuwerte, at ito ang mag e exclude sa karamihan ng mga negosyante at mga pamilya na magsusumite ng aplikasyon.

Ang pamahalaan ay hindi kailanman aaminin na ito ay isang maliit at di sapat na kasagutan sa maraming humihingi ng isang regularisasyon. Sa kabila ng mga paghihirap, ang narito na walang permit to stay na magus submit ng aplikasyon para sa direct hiring ay maaaring bumalik ng sariling bansa at pumasok muli ng Italya ng may balidong visa entry.


Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com