Saturday, May 19th

Last update09:28:58 AM GMT

Balita Italya

European Council: “Tayo ay nangangailangan ng mga imigrante”

  • PDF

Ang mensahe ng Secretary General Thorbjorn Jagland sa mga pangulo ng European countires.

Strasbourg, 13 Pebrero 2012 – “Ang Europa ay nangangailangan ng mga imigrante upang panatilihin ang kasaganaan at para sa mga political leaders ay dapat pigilin ang mga sarili mula sa  paghahayag na naghahasik ng galit”.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Snowstorm pa rin sa Roma

  • PDF

alt

Rome, 11 Pebrero 2012 - Isa pa muling snowstorm sa kapital kahapon Sabado, mula sa Ostia hanggang sa Cassia. Ang alkalde ng lungsod Gianni Alemanno ay muling ipapatupad ngayon, araw ng Linggo ang ordinansa: ang pagkakaroon ng kadena sa sasakyan at ang full stop ng mga motor at motorsiklo hanggang mamayang hatinggabi.

      Pansamantalang isinarado ang Ciampino airport ng isang oras. Samantala, sa Fiumucino naman ay kanselado ang kalahti ng mga flight mula alas singko ng hapon kahapon.

      Itinuloy naman ang laro ng rugby sa Olimpico ng Italy-England, Nanalo ang England sa score na 19-15. Isang malaking pagdiriwang sa kabila ng snowstorm kahapon.

      Sa kasalukuyan ay wala pang anunsyo ang alkalde ukol sa pagsususpinde ng eskwela at ng mga public offices bukas, araw ng Lunes.

 

 

 

 

 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Last Updated on Sunday, 12 February 2012 06:47

Eskwela, suspendido sa Roma bukas

  • PDF

Roma – Ang mga paaralan at mga publikong tanggapan ay sarado muli bukas, Biyernes at sa Sabado at maaari lamang patakbuhin ang mga sasakyang mayroong kadena.

altAng Mayor ng Roma Gianni Alemanno ay muling nagdesisyon ng pagsususpinde ng eskwela dahil sa weather forecast para sa susunod na mgaaraw.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Last Updated on Thursday, 09 February 2012 18:16

Read more...

Tatlong taong batang Pinay, nabagsakan ng yelo

  • PDF

altBologna, 9 Pebrero 2012 – Ayon sa report ng cataniaoggi.com, isang tatlong taong batang babaeng Filipina ang bahagyang nasugatan kahapon sa Bologna dahil sa bumagsak na piraso ng yelo na tumama sa ulo nito. Bandang alas 5 ng hapon, ang bata ay naglalakad sa Via Pietralata kasama ang magulang nang sa angolo ng Via Sant’Isaia ay nabagsakan ng isang piraso ng yelo buhat sa bubong ng isang bahay.

Mabilis naman diumanong sumaklolo ang 118 na nagbigay ng first aid medication at pagkatapos ay dinala ang bata sa ospital ng Maggiore para sa mas masusing chech-up. Nasa mabuti namang kalagayan ang bata.

Samantala, ang mga municipal police  ay hinarangan ang lugar upang maiwasan ang mga karagdagang panganib.

 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Last Updated on Thursday, 09 February 2012 10:14

Weekend, snowfalls ulit maging sa Lazio

  • PDF

"Maaring pinaka kritikal at pinaka mahirap na bahagi ng pag-ulan ng yelo sa bansa"

altRome, 8 Pebrero 2012 - Ang weather forecast ng meteorologist at climatologist na si Mario Giuliacci ay walang  pagdududa: "Sa pagitan ng Biyernes ng gabi at Sabado sa Roma ay magkakaroon muli ng ikalawang malakas na pag-ulan ng yelo. Ipinapaalala ang mga paghahanda sa nalalapit na weekend.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Last Updated on Wednesday, 08 February 2012 10:05

Read more...