Saturday, May 18th

Last update09:56:40 AM GMT

ATM, na-clone. narito ang mga dapat malaman




Ang pag-clone ng ATM card o bancomat ay isa sa mga nagiging pangkaraniwang uri ng panlilinlang ngayong taon. Ano ang dapat gawin kung matutuklasang ang inyong atm ay na-clone? Narito ang ilang kasagutan at mga kapaki-pakinabang na tips.

Ang pag-clone ng isang ATM ay hindi isang bihirang pangyayari at lalong dumadami ang mga nagiging biktima ng panlilinlang na ito sa kasalukuyan. Ang pamamaraan upang ma-clone ang atm card ay hindi sa iisang paraan lamang: ang ilan ay sa pamamagitan ng pagtatago ng mga espesyal na micro chip sa mga atm machine o sa mga itinagong videocamera sa mga strategic position upang makopya mismo ang card at manakaw ang pin code na dinigit ng may-ari upang makapag-withdraw; ang iba naman ay mayroong angkop na microchip na ikinakabit mismo sa machine na nagpapahintulot makopya ang pin o/at magnetic code upang magamit ang card sa mga pagbabayad. Ito ay maaaring mangyari, halimbawa, sa mga restaurant o stores.

Mga mahahalagang tips

Upang maiwasan ang mga mapapait na pagkakataong tulad nito, ay ipinapayong maging maingat sa pagwi-withdraw sa mga atm machine: ipinapayong simpleng takpan ng isang kamay habang dinidigit ang pin code. Ipinapaalalang sundin ang simpleng paalalang ito na makakahadlang sa anumang videocamera na nakatago na magpapahintulot sa pagkopya ng atm card at makita ang pin code.

Bigyang-pansin ang mga tao na nasa paligid. Ipinapayo, kung maaari na mag-withdraw sa atm machine kung saan maraming tao o anumang lugar kung saan madaling makahingi ng tulong, sa kaso ng pagnanakaw.

Ngunit upang maiwasan ang makopya o ma-clone ang bancomat, ay tiyaking under control ang inyong mga paggamit at mga pagbabayad: iwasan ang makalimutan ang mga binili upang madaling matunton kung mayroong nadagdag sa mga ito, itabi rin ang mga resibo at isulat ang inyong monthly expenses gamit ang atm, upang madaling maikumpara ang mga ito sa listahang magbubuhat sa inyong mga bangko. Sa ganitong paraan ay madali ang mga pagsusuring dapat gawin.  

Sa pagkakataong ang mga pagsusuri ay mapapatunayan ang pagkopya o pag-clone sa atm card, ay huwag mag-atubiling i-report sa awtoridad ang mga pangyayari; una sa pulis at matapos gawin ang report ay dalhin ito sa sariling bangko at ipa-block sa lalong madaling panahon ang inyong atm card.

Pagbabalik sa naging pinsala

Matapos tiyakin ang pagkakaroon ng mga pinsalang pinansyal dahil sa naganap na pagkaka-kopya ng card ay posibleng hingin ang pagbabalik ng halagang nawala buhat sa sariling bangko. Bawat bangko at atm o credit card issuer ay mayroong insurance na kikilos sa panahong mayroong pinsala tulad nito. Ngunit kinakailangan pa rin ang mapatunayan sa sariling bangko na wastong ginamit ang card gayun din ang mga pinsalang natanggap matapos matuklasan ang pagkaka-clone ng card, ang katibayan na ang pagwi-withdraw o pagbabayad ay hindi owner ng atm card ang gumawa ay isang mabigat na dahilan upang maiwasan ang anumang hadlang upang mabawi ang halaga. Sa pagtangging ibigay ang nawalang halaga ng sariling bangko ay ipinapayo ang lumapit sa isang abugado.

 

 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Pagpasok sa Italya bilang Entrepreneur

Ako ay isang Pilipino at nais  kong magbukas sa Italya ng isang import-export na negosyo. Nakita ko ang bagong decreto flussi ay para rin sa mga entrepreneurs, paano po ako makakakuhang entry visa?

Roma - Disyembre15, 2012 -Ang visa para sa entrepreneurs ay pinamamahalaan ngTU o  Immigration law (d.lgs.286ng1998), sa Artikulo26 at ng implementino rules (DPR 394 ng 1999) sa Artikulo 39, ay  nagpapahintulot sa pagpasok sa Italya para sa maikli o matagal na pananatili,pansamantala o permanenteng paninirahan, sa dayuhan na nais magbukas ng isang professional activity o negosyo na hindi subordinate, o ang lumikha ng isang korporasyon o ang maging partners.

Ang quota decree

Ang posibilidad na makapasok sa Italya bilang entrepreneurs ay sumasailalim sa pagpapatupad ng Decreto Flussi na nagpapahintulot sa pagpasok ng mga dayuhang nais magtrabaho sa Italya, subordinate job o self employment man at nagpapahiwatig rin ng mga kategorya ng mga workers na maaaring maging self-employed (halimbawa,sa huling (mini) decreto flussi ay hindi napapaloob ang subordinate job tulad ng domestic workers).
Sa pagtatalaga ng mga quota para sa entrepreneurs o lavoro autonomo, ang procedure na sinusunod ay iba-iba, batay sa uri ng aktibidad na nais ng dayuhan, kung ito ay nangangailangang kabilang sa isang listahan o talaan (Registri o Albi) o hindi.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

EU Blue Card - Paano mag-aplay nito?

Ang mga Non-EU highly skilled workers na nagnanais magtrabaho at manirahan sa bansang Italya ay maaaring mag-aplay para sa EU Blue Card work permit.

Ang bagong uri ng residence permit o ang EU Blue Card ay ipinagkakaloob sa mga migrante, sa pamamagitan ng legislative decree no 108 ng June 28, 2012 at ipinatutupad sa Italya simula noong Aug 8, 2012.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Mga Ilang Tips para Magbawas ng Timbang

Gabay Kalusugan Handog ng FNA-Rome

Malamig na ang panahon. Tanda na ng pagdating ng pasko at sangkatutak na parties, reunions at get togethers, potlucks, atbp. At siyempre, ang kinatatakutan at pilit na  iniiwasan ng marami (ngunit madalas ay hindi mapagtagumpayan) ay ang pagdagdag ng timbang. Kaya, heto ang ilang tips.

1.        Uminom ng maraming tubig. Madalas raw na inaakala ng isang tao na gutom ang nararamdaman imbes na pagkauhaw lamang. Kaya sa susunod na makaramdam ka ng ‘gutom’, magdalawang isip muna. Baka nga nauuhaw ka lang. Uminom ka muna ng tubig. May mga ekspertong humihikayat na uminom ng tubig o iced tea bago umupo para kumain. Ipagpatuloy ang paginom habag kumakain para makaramdam ng pagkapuno.

2.        Magtakda ng makatotohanang layunin o goals:  Ang pagbabawas ng timbang na mula 1-2 pounds (kalahati hanggang 1 kilo) sa isang linggo ay mas makatotohanang maabot ng marami. Ang mga bihasa sa pagbabawas ng timbang ay nagmumungkahi na itigil ito pag naabot na ng 10 pounds ang ibinawas at ang pag maintain nitong timbang hanggang anim na buwan bago magsimula muli.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Mali o pekeng deklarasyon sa self-certification, ano ang mangyayari?

Magandang araw, nais kong malaman kung ano ang mga sanctions sa isang dayuhan na naghayag ng hindi katotohanan sa paggawa ng self-certification o autocertificazione.

Ang self-certification o autocertificazione ay isang deklarasyon o paghahayag, na ginagawa ng isang mamamayan sa pamamagitan ng pagsusulat, sa harapan ng isang pampublikong kinatawan, sa halip ng isang sertipiko.
Ang batas na ito ay naaayon sa D.P.R. 445 ng 2000 na nagsasaad ng mga sitwasyon kung kailan maaaring gamitin ng isang pribado ang self-certification (Artikulo 46 at 47 ng batas). Para sa mga dayuhan, ang mga EU at non-EU nationals ay mayroong mga pagkakaiba sa paggawa ng nasabing deklarasyon.

Ang mga EU nationals ay maaaring gumawa ng self-certification sa lahat ng mga sitwasyon na nasasakop ng batas tulad ng malinaw na nasasaad sa batas.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...