Saturday, May 18th

Last update09:56:40 AM GMT

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA ALMURANAS o HEMORRHOID




GABAY KALUSUGAN HANDOG NG FNA-ROME

Ayon sa health.wikipilipinas.org ang almuranas ay tumutukoy sa kalagayan kung saan ang ugat sa paligid ng anus, na mas mababang bahagi ng tumbong, ay namamaga, namumula at lumago ng higit sa normal. Ito’y isang pangkaraniwang kundisyon na kadalasa’y hindi naman seryoso, ngunit nakakasagabal sa nakakarami. Bagamat maaaring maapektuhan ng almuranas ang anumang edad, ito’y pinaka-karaniwan sa edad 40-60.

Ang uri ng almuranas ay batay sa kung saan ito tumutubo. Ang internal hemorrhoid, kung saan ang ugat sa loob ng tumbong ang kasangkot. Maaaring ito ay dumudugo nang walang kasamang anumang sakit. Ang matingkad na kulay pulang dugo sa dumi ang pinaka-karaniwang sintomas nito. Ang prolapsed hemorrhoid ay maaaring mabanat hanggang sa umusli ito sa labas ng anus. Maaaring bumalik ito nang kusa papasok sa loob ng tumbong o dili kaya’y kakailanganin ang marahang pagtulak nito pabalik sa loob. Ang external hemorrhoid ay ang ugat sa labas ng anus ang kasangkot dito. Ito ay maaaring makati o masakit at maaaring minsan mabiyak at dumugo.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Regularization – Ang dapat gawin kung matatapos ang employment

Ako ay isang employer ay nag-aplay para sa Regularization ng isang undocumented noong nakaraang taon. Ano ang dapat gawin kung matatapos ang employment ng worker, sa paraang consensual, sa pagre-resign ng worker o sa pagtatanggal ng employer?

Roma - Enero 17, 2013 - Ang employment ay maaaring magtapos dahil sa desisyon ng parehong parte, sa paraang ginusto ng pareho o hindi. Kung ang worker ang nagdesisyong iwan ang trabaho, ay tinatawag na pagbibitiw o dimissione, subalit kung ang employer ang may nais tapusin ang trabaho  ay tinatawag na pagtatanggal o licenziamento. Sa parehong kaso, ay nararapat na ipagbigay alam ito sa pamamagitan ng isang liham kung saan nasasaad ang pagtatapos ng employment.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

OEC O EXIT PASS, para sa Balik Manggagawa lamang

Ang OEC o OVERSEAS EMPLOYMENT CERTIFICATE ay tinatawag rin na EXIT PASS. Ito ay isang pribiliheyong ibinibigay sa mga OFWs, o mga Balik Manggagawa (workers on leave), upang maging exempted sa pagbabayad ng travel tax at mga terminal fees sa pagbabalik sa bansang pinagta-trabahuhan tulad ng Italya.

Ang mga Balik Mangagawa o Workers on leave ay hindi na kailangang magtungo sa POEA para sa OEC. Sila ay maaaring kumuha nito sa POLO-Rome o Milan bago lumabas ng basang Italya.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

13th month pay ng mga colf, babysitters at caregivers – Paano ito kalkulahin?

Hanggang katapusan ng Disyembre,  tulad ng nasasaad sa collective contract, ang mga employer ay dapat magbigay ng karagdagang sahod o bonus. Narito kung paano ito kalkulahin.

Roma, Dis 27, 2012 - Dumating na rin ang panahon ng 13th month pay para sa mga domestic workers, caregivers at babysitters.

Ang additional salary, bonus o 13th month pay na ibinibigay tuwing Disyembre ay hindi isang regalo o dahil sa kabutihan ng mga employer, bagkus isang karapatan napapaloob sa National Collective Contract ng domestic job. Nasasaad sa artikulo 37: Sa pagsapit ng Kapaskuhan, o hanggang bago matapos ang taon, ay karapatan ng worker ang makatanggap ng isang buwang karagdagang sahod”.

Ang 13th month pay ay dapat katumbas ng isang buwang sahod, kasama ang anumang compensation ng board and lodging.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA PRESSURE SORES/DECUBITUS ULCER

Ang tatalakayin sa pagkakataong ito ay maaaring magsilbing impormasyon  para sa mga badante na nag-aalaga ng mga pasyente o amo na may sakit na ganito upang mapangalagahan ng wasto at malapatan ng tamang paraan.   

Hango sa www.christopherreeves.org, ang balat ang pinakamalaking sistema ng organo sa katawan. Ito ay matibay at malambot at binibigyan ng proteksiyon ang mga tisyu sa ilalim nito laban sa hangin, tubig, dayuhang sangkap at mikrobyo. Ito ay sensitibo sa pinsala at may pambihirang kakayahang maghilom. Bagama’t ito ay matibay, hindi kakayanin ng balat ang matagal at matinding pagkakadiin at priksyon.

Habang patuloy ang pagkakadiin sa balat, napipiga ang mga maliliit na daanan ng dugo na siyang nagdadala sa balat ng sustansiya at oksiheno. Kapag ang balat ay naubusan ng dugo nang matagal, ang tisyu ay namamatay at may nabubuong pagsusugat ng balat o ang tinatawag na sugat sa pagkakadiin ng balat (pressure sores) halimbawa sa higaan.

Ang pressure sores ay isa sa mga pangunahing komplikasyon na matagal na panahong pinagdaraanan ng mga taong may paralisi. Ito ay nagsisimula sa parte ng katawan kung saan ang buto ay malapit sa ibabaw ng balat tulad ng balakang. Ang mabubutong bahagi ay agad tumatama sa balat mula sa loob. At kung tumatama din ang labas ng balat sa matitigas na bagay, ang balat ay nawawalan ng sirkulasyon. Dahilan sa ang bilis ng sirkulasyon ay nababawasan kung ang tao ay paralisado, mas kaunting oksiheno ang napupunta sa balat na nagpapababa ng tibay ng balat. Ang katawan ay sinusubukang labanan ito sa pamammagitan ng pagpapadala ng mas maraming dugo sa mga apektadong bahagi ng balat. Ito naman ay maaaring magresulta sa pamamaga, na nagbibigay ng mas matinding pwersa sa mga daluyan ng dugo at lalo itong nagpapalala sa kondisyon ng balat.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...