Wednesday, May 22nd

Last update09:32:24 AM GMT

Paano i-fill up ang aplikasyon online para sa seasonal worker




Simula kahapon ng umaga ay maaaring i-download, i-fill up at i-save ang mga aplikasyon. Ngunit para maipadala ito online ay kailangang hintayin ang mailathala ang dekreto. Narito kung paano:

Roma – Marso 21, 2013 – Simula kahapon ng umaga, ang mga employer ay maaaring i-download, i-fill up at i-save ang aplikasyon upang maparating at mai-empleyo ang seasonal worker sa bansang Italya sa sektor ng agrikultura at turismo. Upang maipadala ang aplikasyon ay kailangang hintayin ang mailathala ang nasabing dekreto sa Official Gazette na inaasahan sa mga susunod na araw.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Health Assistance ng mga dumating sa Italya pamamagitan ng family reunification

Magandang umaga po, dumating ako sa Italya sa pamamagitan ng family reunification. Nais kong malaman kung maaari akong magpatala para sa SSN o National Health Assistance.

Marso 6, 2013 – Ang mga dayuhang dumarating sa Italya at nag-aaplay ng permesso di soggiorno per motivi familiari, kabilang ang mga over 65 na pumasok sa bansang Italya bago ang Nov 5, 2008, ay dapat na magpatala sa SSR o Servizio Sanitario Regionale (artikulo 34, talata 1 d.lgs. 286/98) upang makatanggap ng mga serbisyong pangkalusugan.

Ang dayuhan ay nagpapatala sa mga Local Health o ASL ng Munisipyo kung saan nakatira, na matapos masuri ang pagkakaroon ng permit to stay na nagpapahintulot sa obligadong pagpapatala sa SSR, ay magpapatuloy sa pagtatala sa dayuhan ng walang karagdagang mga kinakailangan.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA PIYO O GOUT

Ang piyo o gout ay isang uri ng rayuma. Nangyayari  ito kapag ang uric acid ay nabuo sa dugo at nagsasanhi ng pamamaga ng kasukasuan. Ang uric acid ay produkto ng purines na makikita sa maraming pagkain at inumin tulad ng atay, bagoong, mackerel, dried beans, gisantes, serbesa at alak. Ang piyo ay karaniwan para sa mga lalaking may edad na 40 hanggang 50.

Ang acute gout ay masakit na kondisyon na karaniwang nakakaapekto sa isang kasukasuan. Ang chronic gout ay ang paulit-ulit na pananakit at pamamaga sa isa o higit pang mga kasukasuan.

Sa karaniwan, ang uric acid ay kayang mabuwag sa dugo na ipinapasa sa pamamagitan ng bato sa loob ng ihi. Ngunit ang katawan ay gumagawa ng labis-labis na uric acid o kung minsa’y sobrang kaunti ang uric acid na inilalabas ng bato. Kapag nangyari ito, maaaring mabuo ang matulis at tila karayom na urate crystalis sa kasukasuan na sanhi ng sakit, pamamaga at pamumula nito. Gayunpaman, ang eksaktong dahilan ng pagkakaroon ng piyo ay hindi pa kilala.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Ang mga livelli o categorie contratualli sa domestic job

Ang domestic job ay nababahagi sa antas o lebel, batay sa uri ng trabaho, sa tagal sa trabaho at batay sa kwalipikasyon.

Bawat kategorya ay mayroong angkop na wages, terms at working condition.

Ang bawat kategorya o ang "livelli di inquadramento", ayon sa National Collective Labor Contract o CCNL, ay apat, at mayroong 2 antas ng sahod ang bawat isa: semplice at super.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Faqs ukol sa UNCLOS Arbitral Tribunal Proceedings Laban Sa Tsina

1. Bakit natin pinapaharap ang Tsina sa isang arbitral tribunal?

Ang pinagbabatayang 9-dash line ng Tsina ay sumasaklaw sa halos buong West Philippine Sea (WPS). Tungkulin nating manindigan laban sa hindi-makatarungang pag-aangkin ng Tsina upang ipagtanggol ang ating pambansang teritoryo at karagatan.

2. Bakit natin kailangang gawin ito ngayon?

Matapos ang lahat ng nakalipas nating mga hakbang, naniniwala kaming panahon na upang kumilos. Kung hindi pa tayo kikilos ngayon, hahantong ito sa pagkaka-default natin.

3. Ano ang batayan ng ating legal na pagkilos?

Ang legal nating pagkilos ay alinsunod sa konstitusyunal na mandato ng Pangulo upang isulong at itaguyod ang pambansang interes at ipagtanggol ang ang ating pambansang teritoryo at karagatan. Sinusunod din nito ang "rules-based approach" batay sa internasyonal na mga batas, lalo na ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), upang malutas ang mga hindi pagkakaunawaan sa WPS.

4. Ano ang aasahan nating ibubunga ng arbitral tribunal?

Umaasa kaming sa pag-aakyat sa arbitral tribunal, maaatasan ang Tsina, alinsunod sa mga internasyonal na batas, na igalang ang ating soberenya, karapatan at kapangyarihan bilang nagmamay-ari ng ating exclusive economic zone (EEZ), continental shelf, contiguous zone, at teritoryal na karagatan na saklaw ng WPS, at huminto sa anumang gawain o pagkilos na lumalabag sa ating mga karapatan.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...