Ang ‘Salot sa Lipunan’ ay isang kathang-isip na kwentong buhat sa masugid na tagasubaybay ng ating pahayagan online www.akoaypilipino.eu. Isang napapanahong ‘kwentong ofw’ dahil sa kabi-kabilang pag-aaresto sa ating mga kababayang nalululong sa ipinagbabawal na gamot, lalong higit kilala bilang ‘shaboo’. Gayun din para sa ating mga kababayang ‘nagtutulak’ nito sa mga menor de edad na mahina at madaling nadadala sa magagandag mga pananalita.
Editoryal
Holy Week, Mahal Na Araw, Semana Santa
Ito ang panahon ng ating paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Panahon din ito ng pagdarasal, pagsasakripisyo at pagbabago. Panahon ng pagsisisi sa mga nagawang kasalanan, at panahon ng pagwawasto sa ating mga pagkakamali.
Tuwing Linggo Ng Palaspas o Palm Sunday ay ginugunita natin ang pagdating ng Panginoon sa Jerusalem. Nagsisimba ang mga tao nang may hawak na palaspas na gawa sa puno ng palma o palm tree na karaniwang kinakabitan ng mga imahe o litrato ni Jesus o ni Maria. Winawagayway nila ito at binabasbasan naman ito ng pari sa Banal na Misa.
Madalas naming isinasabit sa harapan ng aming pintuan ang mga palaspas na ginamit namin pagkatapos ng Banal na Misa at nananatili ‘yon doon hanggang sa mabulok ang mga dahon nito. Pinaniniwalaang tinataboy nito ang masasamang espiritu, isang bagay na patuloy naming ginagawa sa Roma ngunit sa loob ng bahay na nakasabit ito.
Tuwing Huwebes Santo naman o Maundy Thursday ang pag-aalala sa Huling Hapunan ni Jesus kasama ng labindalawang Apostoles. Kung nagsisimba ka sa araw na ito, malalaman mong dito rin inaalala ang paghuhugas at paghahalik ni Jesus sa paa ng Kanyang mga Apostoles. Ginagawa rin mismo ng mga pari sa Banal na Misa ang paghuhugas at paghahalik sa paa.
Tuwing Maundy Thursday ay ginagawa naman ang tinatawag na Visita Iglesia o pagbibisita sa mga simbahan. Bilang Katoliko, nakaugalian nating mga Filipino ang pagbi-Visita Iglesia sa pitong (7) simbahan pero may iba naman na ginagawang labing-apat (14) ito, katulad ng bilang ng “Stations of the Cross”, isang istasyon sa bawat isa sa labing-apat na simbahan. Isang bagay na hindi mahirap gawin sa Roma, dahil sa kabi-kabilang simbahang mayroon sa bawat kanto dito.
Nakakatuwang pagmasdan dahil habang nagbi-vigil ang mga Italians sa mga simbahan,tayong Filipino naman ay palipat-lipat ng simbahan.
Kapag Biyernes Santo o Good Friday naman ay inaalala ang pagkamatay ni Jesus. Sa Pilipinas ay kadalasang makakakita ng mga namamanata at nagpepenitensiya, hinahampas at pinapahampas ang mga likod hanggang sa magdugo ito. ‘Yung iba naman ay nagpapapako sa krus. Karaniwang makikita sa mga probinsiya, lalo na sa Bulacan at Pampanga. Wala din ibang programa sa telebisyon kundi ang Siete Palabras o Seven Last Words. Mga bagay na di masasaksihan ng mga kabataan natin dito lumalaki sa Roma…. Tanda ko pa ang pagbabawal mag-ingay, bawal kumanta at ang nakakapagtaka, bawal ring maligo…
Sa Easter Sunday naman ginugunita ang muling pagkabuhay ni Jesus. Ang Pasko ng Muling Pagkabuhay kung ito ay tawagin at panahon din ng bagong simula. Tanda ko pa ang ‘Salubong’ sa madaling araw, ang prususyon ng nakatakip ang mukha ni Blessed Virgin Mary.
Pero para sa mga bata, panahon ito ng madugong paghahanapan sa mga itlog o Easter eggs. Sa loob ng mga plastik na lalagyan na hugis itlog at may iba’t-ibang kulay ay naglalagay kami ng candies at chocolates, at kung minsan ay may pera pa ito. S’yempre, mga bata lang ang kasali. Pero minsan talaga eh hindi maiiwasang makisali ang mga “isip bata”, lalo na kapag ‘yung mga anak ay malapit nang umiyak dahil walang mahanap na itlog, kaya pati sila’y makiki-hanap na din.
Bukod pa sa mga nabanggit na ‘yan, napakarami pang mga kaganapan tuwingHoly Week lang nangyayari. Noong bata pa ako, takot na takot kami ng mga kalaro ko at ingat na ingat kami sa paglalaro tuwing Mahal Na Araw dahil tinatakot kami ng mga nakatatanda na kapag nadapa daw kami at nagkasugat eh hindi ito gagaling dahil walang magpapagaling nito. Patay kasi si Jesus. Ayun, simula nga noon eh kapag ganitong Holy Week, ang mga laro lang namin eh iskul-iskulan, drowing-drowingan, nood-noodan ng cartoons, at iba pang mga tahimik at iwas-dapa na laro imbis na ‘yung mga habulan, takbuhan, at iba pang hardcore na laro na nakakapagod.
Pangkaraniwan na ang pagpepenitensya tuwing sasapit ang Semana Santa, tulad ng hindi pagkain ng karne ay nakaugaliang sakripisyo. Ngunit simula Maundy Thursday hanggang Black Saturday ay tinuruan kaming huwag maglaro ng paboritong sports bilang sakripisyo pa rin.
Magmula Huwebes Santo hanggang Sabado De Gloria ay wala kang mapapanood na ibang palabas noon sa telebisyon kundi mga religious movies tulad ng The Ten Commandments, Jesus Of Nazareth, Noah’s Ark, at iba pa.
Marami pang mga pangyayari tuwing Semana Santa ang hindi ko nabanggit dito. ‘Yung iba, maaaring nakalimutan ko na. Pero iisa lang siguro ang dapat nating tandaan: Ang Semana Santa ay hindi lang panahon ng pamamasyal at paghahanap sa mga nakatagong itlog kundi paggunita at pagninilay-nilay din sa mga sakripisyo ni Jesus upang tayo ay mailigtas sa mga kasalanan. At ito ang tunay na diwa ng Semana Santa na sana ay ating isapuso. Ang kanyang muling pagkabuhay ay nagdadala ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at isang bagong pananampalataya tungo sa panibagong pamumuhay!!!
Pansamantalang Teknikal na Gobyerno sa imigrasyon
Ipinatigil ang direct hire, ngunit nanatili ang suliranin sa regularization, at nais ring baguhin ang bagong entries para sa trabaho. Kung isasangtabi ang mga ideologies, maaaring baguhin ang batas sa pagkamamamayan, at pag-aralang mabuti ang pagpapatupad ng ‘integration agreement’.

Rome – Ang mga partido ay naging pipi sa panahon ng gobyerno Berlusconi, ang pansamantalang pamahalaan ngayon ay tila hawak ang tema ng imigrasyon.
Ang desisyon upang pahabain hanggang isang taon ang validity ng mga permit to stay para sa paghahanap ng trabaho, pati na rin ang baguhin ang buwis para sa renewal ng mga permit to stay, upang gawin itong mas makatarungan ay ang direksyon nito. Ngunit ang walang dudang pagsubok ay ang direct hire para sa taong 2012. Ang direksyon ng "teknikal na pamahalaan" na hindi ituloy ang direct hire tulad ng paghahanda noong nakaraang taon, na itinanggi ng ‘pamahalaan’ sa pagkakataong ito ay nakakataas ng presyon.
Ang krisis sa ekonomiya ay isang dahilan upang panindigan na hindi kinakailangan ng mga bagong banyagang manggagawa, batay sa sistemang sinubaybayan ang mga kahilingan sa trabaho ng mga kumpanya at mga pamilya na nag-iiwan ng maraming pagdududa. Isang pagkukunwari dahil ang direct hire ay palaging itinuturing na isang hindi angkop ngunit epektibong paraan upang gawing regular ang daan-daang libong mga imigrante manggagawa sa Italya na walang permit to stay.
Ang ambisyon ng technical board ng Welfare at Interior Ministries, gayunpaman, ay bigyang katapusan ang kasaysayan ng direct hire. Tapusin ang ipagkatiwala sa kapalaran ang milyon-milyong buhay (mula 1998 hanggang sa kasalukuyan ay 2 milyon ang mga pumasok ng bansa) sa " isang araw kung saan ang mga imigrante madaling araw pa lamang sa harap ng computer upang makipagsapalarang ipasok ang aplikasyon”.
Isang karagdagan bilang pagtatapos… Ang hintaying malaman kung ano ang pamamaraan na isasaalang-alang sa muling pagpapapasok sa Italya ng mga manggagawa na hinihingi ng labor market: maraming mga halimbawa, maaaring naging matagumpay sa Europa at maging sa Amerika na dapat gawing halimbawa. Gayunpaman, anu man ang maging resulta, ang subukan ang isang bagong bagay ay mahalaga sa isang mundong palaging patas sa sarili at ito ay kapansin-pansin kapag ang "pulitika" ay sumasangguni sa kanyang mga kawani.
Ang nananatiling problema ng "pulitika" ay ang 500,000 iligal na imigrante na mayroon ang Italya, na sa sandaling ito ay malamang na hindi na makapaghintay ng panahon para sa paglulunsad ng bagong sistema. Ang sanatoria ay maaaring solusyon, ngunit kung paaano ang mga ganitong panukala ay nagbubunga rin ng mga iligal na imigrante na higit pa o katumbas ng mga dapat bagong pasok ng bansa ay tila hanggang ngayon ay namamayani. Ang kalalabasan, gayunpaman, ay hindi maaaring asahan, dahil ang sanatoria para sa ‘humanitarian reason’ ay hindi dapat isangtabi sa bansang tulad ng Italya.
Samantala, salubungin natin ng may tuwa ang pagtatangka na "teknikal na pamahalaan" para sa migrasyion, na hanggang sa ngayon ay hinawakan ang sariling kapakanan. Ito ay maaaring makatulong upang mapagaan ang isyu, sa pagbubukas ng mga daan sa makasaysayang reporma ng pagkamamamayan ng mga menor de edad at para sa kanilang mga magulang. Maaari ring magbukas ng mga daan para sa maraming iba pang "teknikal" na kwestyon, halimbawa ang pagpapatupad ng ‘integration agreement’.
Last Updated on Sunday, 22 January 2012 18:00
Mabilisang proseso ng mga permit to stay at karapatang bumoto sa susunod na halalang lokal
Ang bagong batas ay puwersahang pagbabayarin ang mga dayuhan, ngunit bakit hindi respetuhin ang mga patakaran na nagsasabing ang mga permit to stay ay dapat na handa na, sa loob lamang ng dalawampung araw? Samantala, ang prinsipyo ng "no taxation without representation" para sa 5 milyong taxpayers, maaari ba?
Rome - Ang bagong buwis sa mga ‘permit to stay’ ay isang handog na naantala ng dating ministro Maroni at ni Tremonti sa mga migrante. Ngunit hindi magiging kapani-paniwala na ito ay tatanggihan ni Tremonti na abalang-abala habang sinusubukang pagtagpi-tagpiin ang public fund ng bansa.
Last Updated on Monday, 09 January 2012 10:25
PINOY, tanda mo pa ba ang iyong tradisyon tuwing BAGONG TAON?
Ang pagdating ng bagong taon ay taunang sinasalubong sa Pilipinas. Ang pananaw sa isang panibagong simula at sariwang umpisa ng isa pang taon. Kahit na ang karamihan sa bansa ay mga mahihirap, ang mga Pinoy ay ipinagdiriwang pa rin ang bagong taon kahit sa isang simpleng paraan. Bukod sa araw ng Pasko, ang Araw ng bagong taon ay itinuturing na isa sa pinaka tanyag na pista opisyal sa Pilipinas.
Gayun din ang bawat ofw saan mang sulok ng mundo. Ang pagtitipon tipon ay hindi mawawala bilang pagsalubong sa bagong panimula ng taon na puno ng pag-asa, malakas na pangangatawan, matatag na hanapbuhay at mas maayos na pamumuhay bilang krsitiyano.




