Pumatay kay Emilou Arvesu nakakulong na sa San Vittore

Milan – August 9, 2010 – Kasalukuyang nakakulong na si Oleg Fedchenko, ang ukraine na pumatay kay Emilou Arvesu noong ika-7 ng Agosto taong kasalukuyan ayon sa balita mula ANSA. Malamang umano na humiling ang mga awtoridad at pm (public prosecutor) ng psychiatric counseling. Mananatiling nakakulong si Oleg sa  psychiatric center ng San Vittore. Nagpasalamat ang Filipino community sa mabilis na action ni Formigoni, ang presidente ng Regione Lombardia na taos pusong nakiramay sa malungkot na pangyayari sa biktimang Pinay. (Liza Bueno Magsino)