Mula April 1 hanggang 11, bayaran ng kontribusyon ng Inps

altPinapa-alalahanan ang mga employer na mula April 1 hanggang April 11 ay dapat bayaran ang kontribusyon ng Inps para sa buwan ng Enero, Pebrero at Marso.

Ang mga employer ay babayaran rin ang parte ng mga trabahador na maaari nilang kaltasin sa buwanang sahod ng mga ito.

Ang kontribusyon ay nagbabago  ayon sa sahod at oras bawat linggo. Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa www.inps.it