Mga questura at prefectures, nanganganib mawalan ng workers!

Mahabang panahon sa pagre renew ng permit to stay o pag petition ng isang miyembro ng pamilya. Ito ang mga senaryo na sasalubong mula Enero sa susino na taon, kung hindi mare renew ang kontrata na matatapos sa katapusan ng Disyembre, ng 650 mga manggagawa na nagtatrabaho sa questura at sa prefecture ng Italya. Last summer, ang pamahalaan ay nangako sa Parlyamento ng extension ng kontrata ng isa pang taon, mga bagay na wala pang katiyakan sa ngayon.

Walang nangyayari sa mga apilà at protesta ng mga labor union. Noong nakaraang taon, ang mga Questura at mga prefecture ay nawalan nà ng mga  temporary workers na dumating noong nakaraang regularization. Kung mawawalang muli ang mga naiwan pang mga manggagawa, ang mga opisina ay hindi na makakaahon pa at mape pending ng husto ang mga dokumento ng mga migrante na nag submit na ng mga requirements sa renewal o sa petition. Isang panganib na maiiwasan sa pamamagitan ng paghahanap ng mga pondo upang i-renew ang kontrata. Isang solusyon na may kahirapan sa panahon ng kagipitan.