LEA SALONGA – HINIRANG NA ‘AMBASSADOR OF GOODWILL’

Lea Salonga, beterang aktres at de-kalidad na talento sa larangan ng musika. Lalong higit  na kilala bilang KIM ng MISS SAIGON. Muli ay nagwagayway ng bandilang Pilipino matapos syang hirangin bilang ‘AMBASSSADOR OF GOODWILL’ ng United Nations Food and Agricultural Organization sa Roma noong nakaraang Biyernes ika 15 ng Oktubre.

Kabilang sa mga hinirang sila Raoul Bova, sikat na Italyanong aktor; Celine Dion, kilalang top world singer  at ang oscar winning na si Susan Sarandon.

Dumalo din sa nasabing parangal sina PAUL KAGAME, Presidente ng Rwanda at MONSIGNOR RENATO VAVANTE, ang permanent observer ng Vatican sa FAO.

Kabilang din si  Ambassador Manalo at ilang piling panauhin Pilipino ang dumalo at sumaksi sa nasabing pararangal.

IMAGINE, isang awitin na pinili ni Lea Salonga kung saan ay kanyang pinangarap habang umaawit ang isang mundong may sapat na pagkain at tamang nutrisyon para sa lahat lalo na sa mga kabataan.

Isang bagong layunin, responsibilidad at hamon bilang actress at singer, kaakibat ng bagong parangal na kanyang tinaggap ang mag iwan ng isang mensahe na pahalagahan ang bawat  pawis ng lahat  ng OFW na nagsasaripisyo sa ibayong dagat sa pagtulong sa bayan pati na sa ikagiginhawa ng kanya kanyang pamilya.