ISABELA SAGIPIN

ISABELA – Nagkukumahog ang mga relief workers para maisalba sa pagkakagutom at ma­bigyan ng mga pangunahing pangangailangan ang may 20,000 katao sa tatlong malalayong coastal towns na labis na sinalanta ng super typhoon ‘Juan’.

Umaabot na sa 19 ang nasawi sa nasabing kalamidad.

Ayon kay Isabela Gov. Faustino Dy, kung saan ang kanyang lalawigan ang labis na sinalanta ng nasabing bagyo, ang mga residente sa tatlong costal towns ng Maconacon, Palanan at Divilacan ang dumanas ng labis na pagkasira sa kanilang mga tahanan at limitado na lamang ang kanilang supply ng pagkain matapos hampasin ng mala­lakas na alon ang mga daanan.

Si Dy na nagtungo sa mga grabeng sinalantang lugar sakay ng helicopter.

Sinabi ni re­gional social welfare chief A­rnel Garcia na plano ng gobyerno na magpadala ng mga pagkain at tent sa mga apektadong bayan subalit ang air at sea travels ay kapwa delikado.

 

Samantala, tinatayang aabot  sa 14 mga ba­yan ang apektado ngayon sa pagbaha , lalo na sa mga mabababang lugar sa lalawigan ng Isabela matapos magpakawala ng tubig (190.84 cubic meter per second) ang Magat irrigation at hydroelectric po­wer plant na nasa pagitan ng Isa­bela-Ifugao dahil sa pangambang umapaw ito bunsod ng patuloy na pag-uulan sa nasabing lalawigan.

 

Kaugnay nito, aabutin pa ng isang linggo o hi­git pa bago magkaroon ng kur­yente sa Isabela at Cagayan na lubhang pininsala ng super typhoon ‘Juan’.