Grazie a te Gianmarco!

Gianmarco Mallillin, ang pangalan ng siyam na taong gulang na Pilipinong muli ay nagtaas ng ating bandila sa larangan ng musika dito sa Italya, sa katatapos lamang na edisyon ng zecchino d’oro. Third place ang ating pinoy singer at isang komposisyon naman ni Maestro Jeryy Lagrisola, ang kilalang pinoy composer, organist at instructor dito sa Roma ang kanyang ipinanlabang awitin.

Tamang tama ang awitin ni Gianmarco… salamat o ‘grazie a te’ ang title ng kanta. Salamat sa iyo Gianmarco, isang magandang halimbawa ang binibigay mo sa ating mga kabataan. Pagpapatunay lamang ito, na ang mga Pilipino ay mapagmahal at nangingibabaw sa lararangan ng musika!!!

Congratulations!!!