Deadline ng School Enrollment, malapit na!

Ang online enrollment ng School Year 2017-2018 para sa mga unang grado ng bawat antas (Grade 1, prima media at primo superiore) ay nakatakda hanggang Pebrero 6 lamang. Narito ang video guide.  

 

Pebrero 1, 2017 – Malapit ng magtapos ang online enrollment sa mga unang grado sa mababang paaralan o elementary, middle school o scuola media at High School o Superiore. Ang enrollment ay maaaring gawin hanggang alas 8:00 ng gabi sa Feb 6 sa pamamagitan ng website ng Ministry of Education, www.istruzione.it/iscrizionionline/. 

Ang mga magulang ay dapat munang mag-register online para sa username at password na gagamitin upang mag-fill up ng enrollment form sa website na nabanggit. Upang malaman ang mga paaralan na malapit sa tirahan at makilala ang programa nito ay maaaring i-click ang Scuola in chiaro.

Ang procedure na ito ay para sa lahat ng mga magulang, Italyano man o hindi na regular ang paninirahan sa Italya. Samantala, ang mga undocumented  ang magulang, ay nananatili ang karapatan sa edukasyon ng anak ngunit kailangang gawin ang enrollment sa paaralang napili na walang dapat ipangamba o ikatakot na pagsusuplong sa awtoridad. 

Ang Ministry of Education ay naglabas ng video at ilang gabay sa bawat hakbang ng enrollment, at FAQs. Para sa anumang katanungan at tulong na kakailanganin ay maaaring tumawag sa 06 5849 4025 mula Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng tanghali at mula alas 2:00 ng hapon hanggang alas 6:00 ng gabi. 

 

Gabay sa Registration Pagsa-submit ng Enrollment form Pagkatapos ng submission ng form