Click day: development bawat minuto para sa inyo!

Mga komunikasyon o hinaing ng sambayanan na nagpadala ng aplikasyon on line.

12.45 am – Tinatayang 293,000 ang mga aplikasyong duamting on line sa unang araw ng click day. 208,000 ang mga employer na nagpadala ng aplikasyon para sa domestic jobs; 85,000 para naman sa subordinate jobs.  Ang mataas na bilang ng aplikasyon ay mula sa Milan (37,000), Roma (22,500), Brescia (18,000). Sila ay mga Bangladeshis (48,000) at mga Moroccans (44,000) at mga Indians.

12.30 am – Ang unang araw ng ‘click day’ ay hindi makakasagot sa lahat ng pangangailangan ng mga pamilya at kumpanya sa mga dayuhang manggagawa.

11.00 am – Isang komunikasyon mula sa Viminale na hindi pa posibleng malaman ang ‘estimated numbers’ ng mga aplikasyong ipinadala on line.

10.20 am – Hinaing ng marami sa Stranieri in Italia ukol sa hindi paggana ng programang ‘mini client’ sa sistema ng Windows Vista sa unang bahagi ng click day kaninang umaga.

10.05 am – Isang komunikasyon mula sa Ministero dell’Interno, na pagkatapos ng libu libong aplikasyon na  sabayang ipinadala on line (8.00 – 8.30) ay dahan dahang bumagal ang mga aplikasyong dumating sa kanilang sistema.

9.45 am – Muling inayos ng Viminale ang lahat ng operasyon ng ‘Sistema di inoltro Telematico’ o sistema ng pagpapadala ng aplikasyon on line na para lamang sa ‘direct hire 2010’. May mga sistemang disactivated mula alas 7 ng umaga. Samakatwid, maaari muling mag rehistro, humingi ng modulo, at mag padala ng aplikasyon, ang paado download ng ‘mini client’ at pagkakaroon ng resibo ng pagpapadala on line ng aplokasyon.

9.40 am – Maraming numero ng tagasubaybay sa ating website upang alamin ang updates ng unang bahagi ng resulta ng unang click day.

9.25 am – Isang komunikasyon mula Viminale, na maraming tawag ang kanilang natanggap ukol sa mga problemang hinaharap ng mga employer sa pagpapadala ng aplikasyon on line.

9.05 am – Nagpapatuloy ng maayos ang ‘click day’. Maaaring bago matapos ang maghapon ay tinatayang magbibigay ang Ministero ng updates ukol sa bilang ng unang ‘click day’.

8.00 am – Good luck po sa lahat ng magpapadala ng aplikasyon on line.