Care givers, ginawan ng regional registration book

Maaaring mag patala ang mga skilled workers lamang.
Forte: “Isang point of encounter sa pagitan ng job offer at job demand”

Ginawa sa Roma ang isang regional registration book ng mga care givers. Ito ay inihayag kahapon ni Aldo forte, Assessor para sa Social Affairs at family ng Lazio Region.

“Ito ay isang instrumento na sa pamamagitan ng mga darating na kurso ay maitataas ang kalidad ng pangangalaga sa bawat tahanan”, dagdag pa ni Forte.

Ang pagpaparehistro ay nakasalalay sa pagkakaroon ng minimum requirements at kakayahan bilang isang kasambahay upang magarantiya ang mas mapagkakatiwalaang kapasidad.

“Ang rehistro –  pagpapatuloy ni Forte – ay isang point of encounter sa pagitan ng supply at demand na bibibigyang prioridad, isang katotohanan, lalo’t higit para sa mga matatanda, ay isang elementong nangangailangan ng pansin”

Ayon sa iniharap na datas ni Assessor Forte, sa Italya mayroong higit sa 770,000 mga banyagang care givers at halos 700,000 lamang sa mga ito ang may regular kontrata.

Kabilang sa mga plano ng konsehal, ay ang pag bibigay pondo ng15,000,000 € na inilagay sa social voucher para sa mga matatanda over 75 bilang benepisyo ng social welfare.