April 10, ang due date ng first quarter payment sa contributi Inps ng mga colf

Ipinapaalala na ang unang due date sa pagbabayad ng bollettini Inps sa taong 2017 para sa mga colf at caregivers ay mula April 1 hanggang April 10. Narito ang mga susunod na due dates.

 

 

Abril 4, 2017 – Ang contributi Inps ng mga colf o domestic worker at caregivers ay nagbabago taun-taon. Ito ay batay rin sa halaga ng sahod, oras ng trabaho at sa uri ng kontrata – kung indeterminato o determinato. Samakatwid, ang employer, matapos itakda ang halaga ng kontribusyon, ay kinakalkula at binabayaran ito tuwing ikatlong buwan. 

Ang unang due date ng pagbabayad ng bollettini Inps sa taong 2017 ay mula April 1 hanggang April 10 at ito ay para sa mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso.

Narito ang mga susunod na deadline: ang second quarterly payment ay nakatakda sa July 10, ang third quarterly payment naman ay sa October 10 at ang huling payment ay may due date naman sa Jan 10, 2018

Ang hindi pagbabayad ng kontribusyon hanggang sa mga petsang binanggit ay may karampatang multa mula sa Inps. Kung sakaling ang hiring ay magtatapos, ang 10 araw na palugit para sa pagbabayad ng kontribusyon ay magmumula sa huling araw ng trabaho. 

Para sa mga colf at caregiver, ay gagamitin ang bollettino MAV, sa pamamagitan ng Reti Amiche network (kung saan kasama rin ang mga tobacco shops, over the counter ng Unicredit bank) at online sa pamamagitan ng website ng Inps.  

 

Bashing rin:

Colf, caregivers at babysitters, narito ang halaga ng kontribusyon ngayong 2017

Minimum wage sa domestic job para sa taong 2017