PINOY NA NAMATAY, HINIHINALANG NAG-SUICIDE

altMakalipas ang ilang sandali pagkatapos ng isang matinding away sa pagitan ng mag-asawa, isang Filipino, 29 anyos ang nahulog sa bintana mula sa ikatlong palapag ng kanyang apartment noong April 4 sa Via San Antonio Basilio Provolo (malapit sa Ponte Mammolo).

Ayon sa mga kapitbahay nito, narinig ang isang mainit na talakayan sa pagitan ng mag-asawa. Huli na ang lahat ng pagtatangkang sagipin ang buhay ng Filipino dahil wala ng buhay ng datnan ang bangkay.

Sa unang ulat ay tila nahulog at isang aksidentediumano ang nangyari dahil na rin sa kalasingan ng Filipino. Ang teorya ng pagpapakamatay, sa katunayan, ay kasalukuyang inaalam pa rin ng mga investigators.