Mga Pinay, inaanyayahang lumahok sa Miss Italia nel Mondo Special Edition

Para sa pinaka-magandang dalaga, na maaaring isang PINAY, naghihintay ang kontratang nagkakahalaga ng 20,000 euros. Ang special edition ng Miss Italia ay para sa mga dalagang dayuhan na naninirahan sa Italya ng hindi bababa sa isang taon. Tumatanggap ng entries online hanggang  bukas na lamang July 24.

Rome, Hulyo 23, 2012 – Tumatanggap ng entries hanggang bukas para sa “Miss Italia nel Mondo Special Edition”, ang contest para sa mga dalagang dayuhan sa pagitan ng edad na 18 hanggang 26 anyos na naninirahan sa Italya ng isang taon.

Hanggang sa mga sandaling ito ay wala pa ring Pilipinang nagpapatala sa pinaka prestihiyosong beauty contest ng bansang Italya. Magmadali, ano pa ang hinihintay ng mga tunay na gandang dalagang Pinay na kasalukuyang nasa bansang Italya. Isang magandang pagkakataon upang ipakita ang kakayahan, at talino bukod sa tunay na kagandahan ng isang Piany upang makapasok sa industriya ng enteratinment at fashion.

Kaugnay sa maliit na rebolusyong ito, ang sinumang lalahok sa Miss Italia nel Mondo Special Edition ay maaaring magpatala hanggang bukas July 24 on line, sa pamamagitan ng websitewww.missitalia.it / MissItalianelMondo.aspx, kung saan ay detalyadong ipinaliliwanag ang mga requirements at ang buong patakaran ng kumpetisyon. Ang mga candidates ay magkakaroon ng pre-selection na gaganapin sa Roma sa July 26.

Dalawampung dalaga lamang ang mapipili upang lumahok sa finals sa Montecatini Terme. Ang magwawagi, bukod sa titolo ng pinaka magandang dalaga at ng paghanga ng milyon-milyong Italians ay mag-uuwi rin ng kontratang nagkaka-halaga ng 20,000 euros.