Mga pagbabago sa family allowance o assegno familiare

Narito ang mga bagong halaga ng family allowance (o assegno familiare)para sa mga manggagawang banyaga at Italyano.

altRome May mga pagbabago sa pagbibigay ng family allowance o assegno familiare. AngINPS ay nag-publish na mga bagong halagang kita bilang basehan sa pagbibigay ng mothly family allowancena ipatutupad mula Hulyo 1, 2011 hanggang  Hunyo 30, 2012.

Ang family allowance ay nakalaan sa pamilya ng mga empleyado, ng mga pensyonado sa ilalim ng ilang mga kundisyonsa  uri ng kontrata ng manggagawa (tulad ng mga nakatalang coordinate at professional jobs na nakatala sa pamamahala ng Inps) kung ang kabuuang kita ay nabibilang sa itinakdang parameters ng Inps.

Ito ay isangbenepisyo bilang karagdagang tulong sa sahod , na maaaring tamasahin hindi lamang ng mga Italyano gayun din ng manggagawang banyaga.
Ang application aydapat na isinumite sa employer opara sa mga colf at manggagawang  sa agrikultura ay sa tanggapan naman ng INPS. Sa mga empleyado, ang family allowance ay nakapaloob sa  payroll ng empleyor  na ire-refundnaman pagkatapos. Samantala, para sa mga colf naman ay direktang mula tanggapan  sa INPS magmumula ang family allowance.

Updated table ng kabuuang kita ng pamilya katumbas ang monthly family allowance.