Mga paaralan sa Roma, sarado bukas!

Opisyal na! Ang mga paaralan sa Rome ay sarado bukas, Lunes, February 26, 2018. 

 

Ayon sa weather forecast, inaasahan ang pagdating sa buong bansa ng lamig na magbubuhat sa Siberia na tinatawag na Burian. 

Maging sa Roma ay inaasahan ang malamig na panahon mula sa hatinggabi ng Linggo hanggang sa susunod na 24 o 36 na oras. 

Inaasahang ang lamig ay tulad noong nakaraang 2012 kung kailan nagising ang mga Romans na balot ng makapal na snow ang Eternal City. 

Dahil dito ay opisyal na naglabas ng ordinansa ng Alkalde ng Roma Virginia Raggi, ukol sa pagsasara ng mga paaralan sa lahat ng antas sa Roma bukas, Lunes, February 26, 2018. 

Kaugnay nito, ayon sa ulat, ay babawasan rin ang sirkulasyon ng ilang mga bus. Magkakaroon lamang ng 120 buses bukas sa mahahalagang bahagi ng lungsod. 

Paalala naman mula sa Protezione Civile ang kapalan ang kasuotan at mag-iingat sa biyahe kung hindi maiiwasan ang paglabas ng bahay.