Mga employer tipid sa pagbabayad ng buwis kung regular ang colf at badante

 

Maaaring ibawas sa income ang kontribusyon sa insurance. Mas makakatipid kung ang isang badante ay nag-aalaga ng invalid.

Roma – Kalimitan, para sa mga colf at badante ang contract of employment (contratto di lavoro) at contributi ay isang pangarap. Karamihan sa mga employer ay walang alam na kung sila’y hindi nagbabayad ng insurance, maaari silang pagmultahin tulad ng isinasaad sa batas. Ang hindi nila alam, maaari nila itong ibawas sa buwis na kanilang babayaran.

Ang bentahe ng employer na nagbabayad ng contributi para sa kanilang colf at badante ay ang deduction sa taxable income na kung saan ay kinukwenta ang tax na babayaran, ang contributi inps na binayaran para sa colf o badante hanggang sa maximum of 1549,37 euro. Ito’y pwedeng patunayan sa pamamagitan ng pinagbayarang bill tuwing tatlong buwan.

Ang karagdagang savings ay nakatalaga kung ang badante ay nag-aalaga ng isang invalid, naninirahang mag-isa at pinatunayan ng doktor na hindi na niya kayang alagaan ang sarili, maglinis ng katawan, maglakad, magbihis o kinakailangan ang tuloy-tuloy na pagbabantay. Sa kasong ito, ang employer ay may karapatang makakuha ng discount sa tax na 19% na inasto para sa isang badante hanggang 2100 euro, ngunit ito ay kung ang income ng contributor ay hindi lalampas sa 40 libong euro.

Ang discount ay karapatan ng sinumang nagbabayad sa badante, taong invalid o kaniyang kamag-anak. Sa pagdi-deklara ng income, kinakailangang magpakita ng resibo, pay slip o ibang dokumento na nagpapatunay sa pinagbayaran. Kailangan ang codice fiscal at personal data ng badante, ng sinumang nagbabayad. (Sa pangangalaga ni Elvio Pasca)