Maninisid na Pilipino sa pagtatanggal ng Costa Concordia, natagpuang patay

Isang maninisid ang natagpuang nakahandusay sa shower, maaaring inatake sa puso.

Grosseto, Abril 27, 2013 – Isa pang trahedya ang idadagdag sa kuwento ng Costa Concordia. 
 
Ang isang maninisid na Pilipino, 54 anyos, na nagtatrabaho sa pag-aalis (rimozione) ng barko na nasadsad sa isla ng Giglio, ang natagpuang patay ilang gabi lamang ang nakakalipas.
 
Inaasahang babalik sa serbisyo sa turno ng hatinggabi ngunit hindi nakitang dumating ng mga kasamahan sa trabaho. Dahilan upang  hanapin ang kasamahang Pilipino, at natagpuang nakahandusay sa shower sa loob ng kanyang silid.  
 
Ayon sa mga unang analisis na ginawa sa Orbetello hospital, ay atake sa puso ang dahilan at walang kinalaman sa kanyang trabaho ng pagsisid. Sa katunayan, ay 36 na oras ng hindi sumisisid ang Pilipino bago binawian ng buhay.