Magandang balita para sa mga pamilyang nagbabayad ng housing loan.

altDumating na ang sasagip sa mga nahihirapang pamilya at nakikipagsapalaran sa adjustable rate ng housing loan, ang buwanang hulog na naaayon sa stock exchange.  Ang dekreto sa  pagpapaunlad ay inilunsad noong unang bahagi ng Mayo ng pamahalaan at ito ay naglalayong magtatag ng maximum na pagtaas ng rate ang mga bangko. Kung sakaling maaabot ang nasabing maximum na pagtaas ng rate ay magiging fix rate ito o magiging iisa o pare-pareho ang buwanang hulog sa housing loan ngunit maaaring habaan ang duration.

Ang pagbabagong ito ay maaaring i-request ng mga pamilya hanggang sa katapusan ng 2012 at ng mga pamilyang may nanatiling balanseng 50,000 euro na may economic indicator, kilala bilang ISEE na hindi lalampas ng 3,000 euro sa isang taon.

Ang ISEE ay maaaring kalkulahin sa mga public assistance offices (o Patronati).

Ang bagong balita ay malaki ang maitutulong lalo na sa muling pagtaas ng interes na inaasahan sa mga darating na buwan.

Ayon sa Adusbef at Federconsumi ay maaaring madagdagan ng higit na 300 euro bawat taon para sa mga mayroong adjustable rate.