Limang kabataang Pilipino, dinampot ng pulis!

 

Isang grupo ng mga kabataang Italyano ang binugbog diumano ng limang mga kabataang Pilipino at pagkatapos ay kinidnap ang dalaga, at ginahasa ng grupo.

altaltRome – Limang mga kabataang Pilipino ang dinampot ng awtoridad sa salang pang-gagahasa ng grupo: ang mga ito ay may edad na dalawang 20 taong gulang, dalawang 19 taong gulang at isang 21 taong gulang.

Ang mga pangyayari ay naganap noong ika-30 ng Abril 30 bandang 1.30 ng madaling araw. Nakatanggap ng tawag mula sa hotline number 113 ang mga awtoridad at ni report ng isang kabataang lalaki ang ukol sa pambubugbog diumano ng mga di kilalang kabataang Pilipino sa isang lugar sa Pineta Sacchetti. Mabilis na nagtungo ang mga pulis sa lugar at natagpuan ng mga ito ang binata na may tatlong iba pang mga kaibigan, dalawang lalaki at isang babae. Ayon sa mga ito, ay sapilitang  isinama ng pangkat ang dalagitang kaibigan at dinala sa isang liblib na parte ng Pineta Sacchetti at doon ginahasa.

“Hindi naging madaling makilala ang mga salarin ng sekswal na karahasan, dahil walang koneksyon sa pagitan ng mga kabataan at ng biktima”, bigay-diin ng investigator na si Vittorio Rizzi. Ang imbestigasyon ay humantong sa pagkakakilala ng isa sa limang kabataan, na siyang umamin at nagbigay ng lahat ng detalyadong impormasyon ng mga naging kaganapan at nagturo sa apat pang naging kasabwat nito.

Ayon sa report ang mga kabataang Pilipino ay nagmula sa isang maayos na pamilya. Ang mga kabataan, gayunpaman, ay lasing at nasa ilalim ng epekto ng pinagbabawal na gamot (hashish), ayon sa mga pulis ng naganap ang panggagahasa.