Italy Miss Universe Candidate Sofia Sergio, nahilo sa Governor’s Ball

Nahilo si Italy Miss Universe 2016 candidate Sophia Sergio at agad namang nabigyan ng paunang lunas.

 

Enero 17, 2017 – Hinimatay  si Italy Miss Universe 2016 candidate Sophia Sergio sa ginanap na Governor’s ball sa SMX convention center Lunes ng gabi.

Sa bahagi ng Parade of Nations ng mga naggagadahang candidates mula sa mahigit 80 bansa ay bigla umanong nahilo si Sergio pagkatapos ng “candidates roll call”,at agad naman nabigyan ito ng paunang lunas. 

Agarang nakarecover si Sergio at nagthumbs up pa siya sa harap ng mga photographers, the show must go on wika nga.

Ang coronation night ay gaganapin sa January 30 sa 15,000 seater Mall of Asia Arena sa Pasay City at broadcast ito live sa mahigit 190 bansa.

Ang nakatakdang oras ng live broadcast ay ihahayag sa darating na mga araw. 

ni: Chet de Castro Valencia

photo courtesy of pageants news.com