Impormasyon sa iPhone o kahit na anong smart phones??

Magandang balita para sa inyo. Impormasyon pati sa kalagayan ng renewal ng permit to stay!

Ang mga Immigration Police Headquarters ay walang sapat na tauhan at kagamitan upang mai renew at mai release ang mga permit to stay sa makatwirang panahon, ngunit sa panahon ng paghihintay, maaaring malaman ang posisyon ng renewal sa pamamagitan ng iphone at ipad.

May isang linggo na, na maaaring i-download sa mga smartphone o sa mga Apple tablet ang bagong aplikasyon mula sa www.poliziadistato.it. Ito ang magpapahintulot na makatanggap ng mga update sa mga operasyon ng Questura, karagdagang impormasyon, pagsangguni sa mga public competition at panoorin ang mga video na-uploaded sa YouTube ng mga naka-uniporme.

Mayroon ding isang seksyon na nakaukol lamang sa mga imigrante, tinawag itong ‘permit di soggiorno’, ito ay matatagpuan sa iba’t ibang linguahe tulad ng Italyano, Ingles, Pranses, Espanyol, Arabic at Russian. Kailangnan lamang pumasok sa sistema sa pamamagitan ng numero ng resibo ng renewal upang malaman ang posisyon ng renewal.

Sa mga walang iPhone? Hanapin lamang sa computer na may internet device. Ang parehong uri ng serbisyo ay aktibo na sa mahabnag panahon sa website www.poliziadistato.it .