Enrollment online para sa School Year 2018-2019

Kailangang gawin ang pre-enrollment registration bago magpatuloy sa online enrollment na sisimulan sa Jan 16. Narito kung paano.

 

Para sa lahat ng mga magulang na sa School Year 2018-2019 ay may mga anak na papasok sa unang klase tulad ng grade 1, first yr junior high school (Medie) at first yr senior high school (Liceo, Superiore), bago tuluyang gawin ang enrollment ay kailangan munang gawin ang pre-enrollment registration. Samantala, ang enrollment naman sa preschool o materna ay dapat gawin sa paaralang napili.

Ang pre-enrollment registration ay nagsimula noong Jan 9, 2018 sa website ng Ministry Education www.iscrizioni.istruzione.it. 

Isang username at password ang ibibigay sa pre-enrollment registration na syang gagamitin sa online enrollment na sisimulan naman sa Jan 16 mula alas 8 ng umaga at magtatapos sa Feb 6, sa ganap na alas 8 ng gabi. 

Ang sinumang nagtataglay na ng digital ID o SPID (Sistema Pubblico di Identità Digitale) ay hindi na kailangan pang mag-register at maaaring direktang mag-access sa pagsusumite online ng enrollment form gamit ang username at password. 

Samantala ipinapaalala na ang pre-enrollment registration ay maaaring gawin ng isang beses lamang para sa mga mayroong higit sa isang anak. Samakatwid isang code lamang ang ibibigay ng sistema sa enrollment ng lahat ng mga anak. 

Sa kasong nalimutan ang password, ay maaaring muling magbigay nito sa pamamagitan ng “password dimenticata” gamit ang mga kinakailangang datas matapos sagutin ang question control system na pinili sa unang bahagi ng registration. Ang bagong password ay ipapadala sa pamamagitan ng sariling email address.

Ang online registration ay obligatory sa mga public school samantalang optional naman sa mga private school at mga officially recognized schools. 

Ang enrollment application form ay binubuo ng 2 bahagi. Sa unang bahagi ay kinakailangang ilagay ang personal datas ng mag-aaral, ang code ng napiling paaralan at ang oras kung nasa grade school o ang napiling kurso kung nasa second degree high school. Ang code ng mga paaralan ay matatagpuan sa http://cercalatuascuola.istruzione.it/cercalatuascuola/. Sa ikalawang bahagi naman ay maaaring ilagay ang anumang impormasyon at/o anumang preferences sa mga additional extra-curricular activities ng paaralan. Matapos ang pagsagot sa mga katanungan at ipadala ang enrollment form online, isang confirmation receipt ang matatanggap sa pamamagitan ng email. 

Ang paaralan matapos matanggap ang application at magbibigay ng confirmation kung tanggap o hindi ang mag-aaral. Sa kasong hindi tanggap ay ipapadala ng paaralan ang aplikasyon sa ikalawang napiling paaralan. Ang lahat ng updates, gayunpaman, ay matatanggap sa pamamagitan ng email.

Ang enrollment procedures ay pare-pareho Italyano o dayuhan man ang mga mag-aaral. 

Gayunpaman, para sa mga magulang na undocumented ay nananatili ang karapatan sa edukasyon ng anak ngunit ang enrollment ay maaaring direktang gawin sa secretariat office ng paaralang napili. Ito ay dahil sa kawalan ng codice fiscale na kinakailangan upang ma-kumpleto ang pagpipi-fill up ng enrollment form.