Deadline of payment, malapit na!!!

Mula Jan 1 hanggang Jan 10, ang lahat ng may mga domestics sa bahay, care givers at babysitters ay dapat magbayad ng ‘contributions’ para sa buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre.

Ang mga employer ang magbabayad ng share ng mga manggagawa, ngunit pagkatapos ay maaring bawasin ang halagang ito mula sa sahod ng manggagawa. Ang halaga ng ‘contributions’ ay depende sa  sahod at oras ng trabaho sa isang linggo, ito ay ayon sa basehan na maaaring makita sa website www.inps.it.

Ang pagbabayad ay maaaring gawin online sa pamamagitan ng website, mga tobacco shops at mga post office, gamit ang dumating na bollettino mula INPS o Social Security sa lahat ng mga employer. Ang mga hindi nakatanggap ay maaaring kumuha ng personal sa isa sa mga tanggapan ng INPS o tumawag sa numero 803164. Sa katunayan ang mga magbabayad ng kontribusyon ay sumasakop lamang sa isang bahagi ng mga workers sa Italya.

Tinatayang may isang milyon at kalahati, ngunit ayon sa katatapos lamang na survey ng Censis, tanging 40 porsyento lamang ng mga ito ang may regular na kontrata.