Application form on line, handa na!

Mula ngayong umaga ay handa na ang mga application form sa website ng Ministry of Interior.

Mula kaninang alas 8 ng umaga, sa website ng Ministry of Interior, ay handa na ang sistema upang tanggapin ang mga mag-paparehistro upang makapag down load ng mga application form para sa direct hiring 2011. Ang web site ay http://nullaostalavoro.interno.it/

Kinakailangan ang pag-paparehistro upang makapasok sa sistema at mai down load ang mga aplikasyon.

Ang Ministry of Interior ay naghanda rin ng isang ‘GUIDE’ kung saan ipinapaliwanag ang mga hakbang upang tamang makapasok sa sistema ng Ministry ang mga employer.