Apat na Filipino nireport dahil sa matinding pakikipag-away

Tila nagsimula ang lahat sa isang mababaw na diskusyon ngunit nauwi sa marahas na murahan na naging dahilan ng pag-aresto sa anim na katao.

altBologna – Bandang hatinggabi kahapon sa Via Corticella, angolo ng Via Mitelli nang ireport ng mga residente ang kagukuhan. Inabutan ng mga pulis ang magkapatid ng Bolognese, 21 at 23 taong gulang, at apat na Filipino, 25, 20 at dalawang 21 anyos na kasalukuyang nasa mainit na pag-aaway. Ang magkapatid na Bolognese ay may hawak na kadena na pilit na itinago sa mga pulis na ginamit sa pag-aaway.

Ayon sa mga report, nag-umpisa ang away dahil nakainom ang mga kalalakihan. Pinatawan ang lahat ng kaso.

Ang dalawang Filipino ay napag-alamang regular sa mga dokumentasyon at permit to stay at ang mga ito ay ipinadala sa Ufficio Immigrazione ng Questura para sa mas malalim na pagsusuri.