300,000 pondong laan para magbigay ng discount sa lahat

Ang motorsiklo, internet, mga gamit sa bahay ay mura na sa ngayon. Hindi kailangang magmadali, magtanong lamang sa mga negosyo.

 

Roma – Gusto n’yo ba ng bagong motorsiklo, pagandahin ang inyong kusina o magpalit ng gamit sa bahay? Kailangan mo ba ng mabilis na internet? Naghahanap ka ba ng bahay na makakatipid sa kuryente? Ito ang tamang panahon upang mamili ng mga ito.  

 

Upang makatipid, ang gobyerno ay naglaan ng 300 libong euro upang gamitin sa pagbibigay ng discount sa mga produktong inyong makikita sa ibaba. Sa oras na maabos ang 300 libong ito, matatapos rin ang discount, kaya’t kumilos na kayo ay samantalahin ang pagkakataong ito.

 

Sa pagbili ng mga kagamitan, tulad nang pagbili ng isang produkto, pwedeng ipagpalit ang luma sa bagong nais ninyong bilhin (rottamazione ang tawag dito), ang pamamaraan ay hindi magbabago. Magtanong lamang sa negosyante kung mayroon silang available na gamit, maaari itong alamin sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono o sa website kung ang pondong inilaan ng gobyerno ay hindi pa nauubos.

 

Para sa iba pang kaalaman, maaaring tumawag sa toll free number na 800.123.450 mula sa landline o sa cell phone ngunit may bayad sa numerong 199.123.450. Alalahaning italyano lamang ang sumasagot dito. (Liza Bueno Magsino)