Friday, May 24th

Last update08:26:53 AM GMT

UNIBERSIDAD - June 7, deadline ng registration online para sa entrance exam




Isang obligasyon para sa sinumang pumili ng kursong Medicine, Dentistry, Veterinary o Architecture. Kailangan pa ring gawin maging ang pre-enrolment  sa Italian Embassy sa sariling bansa.

Roma, Mayo 14, 2013 – Magtatapos ang pre-enrolment sa nalalapit na June 21 para sa mga dayuhang naninirahan sa labas ng bansang Italya na nagnanais na pumasok sa unibersidad sa Italya. Ang mga kabataan, (tulad nang paliwanag sa pahinang ito), ay kailangang pumili ng kurso at paaralan, magpatala sa pamamagitan ng Italian Embassy, hintayin ang entry visa.  

Ang sinumang pumili ng quota course o ng mga kursong nabanggit ay kailangang sundin ang prosesong ito at huwag kalimutang magpatala rin online, hanggang alas 3 ng hapon ng June 7, 2013 para sa entrance exam na gaganapin sa katapusan ng July.

Mag log-on lamang sa www.universitaly.it, ang website na ginawa ng Ministry of University at mag-register at gawin ang prenotation online ng entrance exam. Samantala simula naman May 20, 2013, ay maaaring mag-review sa tulong pa rin ng website na nabanggit.

Kamakailan ay inilathala ang resulta ng EMN kung saan nabanggit na ang Italya ay nananatiling hindi nakaka-akit sa mga international students, na sa kasalukuyan, sa mga unibersidad sa Italya ay mayroong nakatalang halos 80,000 EU and non-EU students. Isang sitwasyon na nauugnay sa mabusising enrolment at paraan ng pagpasok sa bansang Italya, kakulangan ng scholarship, tirahan at english course at kakulangan ng angkop na propesyon sa Italya.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Pre-enrollment sa mga Embassies at Konsulado, hanggang June 21

Ang mga aplikasyon ay isusumite sa Italian Embassy o Consulate sa sariling bansa ay nakatakda hanggang June 21. Matatagpuan naman online ang bilang ng mga mag-aaral na maaaring tanggapin sa mga unibersidad. Ang mga duktor, dentista, beterinaryo at arkitekto ay nakatakdang darating sa bansang Italya sa Hulyo, sapat na panahon para sa entrance exam.

Roma, Mayo 15, 2013 - Hanggang sa June 21, ang mga naghahangad na mag-aral sa Italya ay maaaring magpatala sa mga Italian Embassies at Consulates sa kanilang sariling mga bansa. Ngunit bago ito, ay kailangang pumili muna ng papasukang unibersidad sa pamamagitan ng website ang mga mag-aaral na magbubuhat sa mga unibersidad at mga institusyon ng mataas na pagsasanay sa sining, musika at sayaw mula sa ibang bansa. Sa parehong website ay matatagpuan din ang mga tagubilin at mga form.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

“Ius soli, hindi maaaprubahan” - Maroni

Ayon sa leader ng Lega Nord: “Walang kinalaman si Kyenge sa mga kaganapan sa Milan. Ngunit kung sinasabing gustong tanggalin ang krimen ng pagiging irregular, ang mga manloloko ay agad nagsisimulang kumilos”.

Rome, Mayo 14, 2013 – “Walang anumang koneksyon ang proposal ni Minister Kyenge at ang pangyayari sa Milan: ang nasasangkot na imigrante ay wala sa pag-iisip”, ayon kay Roberto Maroni. “Hindi ko gusto na magkaroon ng anumang koneksyon ang mga programa ni Minister at ang pangyayari sa Milan”. Ngunit “ang imigrasyon, sa sinumang nasa posisyon, ay isang tema na dapat pamahalaan ng mahusay”

Ang head ng Lega Nord at Pangulo ng Lombardy Region ay tinuligsa si Kyenge sa isang panayam ng pahayagang Repubblica at sinabing, “sa kabuuan ng mga magagandang hangarin ito, kung saan mabibigat ang mensahe ay hindi maiiwasang mayroong mangyari”.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Green Card Lottery sa USA, nanganganib matanggal

Ang Green Card Lottery taun-taon ay maaaring matanggal ng reporma sa imigrasyon. Protesta ng Black Caucus “Wala nang pagkakataon ang mga Africans”.

Roma, May 14, 2013 – Tila wala ng pag-asa ang Green Card Lottery, na pangarap ng libu-libong mamamayan ng buong mundo na nagbibigay ng pagkakataong magkaroon ng permanent permit to stay sa United States. Ang bipartisan immigration reform na inilahad sa Senado ay nagnanais na tanggalin ito.

Mapait na balita para sa mga imigrante na naghahangad nito: Matatandaang noong nakaraang taon ay lumahok sa kilalang Green Card Lottery ang halos 8 milyon katao para sa kabuuang 55,000 green cards lamang na nakalaan lalong higit para sa mga mamamayan ng mga bansa kung saan ang imigrasyon sa bansang USA ay di gasinong mataas tulad ng Africa at Caraibi. At dahil sa kadahilanang ito ang Black Causus, ang grupong binubuo ng mga Afro-American parliamentarians ay tinutuligsa ito: “Ang pagtatanggal sa Green Crad Lottery ay magtatanggal din sa pagdating ng mga imigrante buhat sa Black Continent”, ayon sa grupo.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Estrada, idineklara nang Alkalde ng Maynila

Maynila, Mayo 14, 2013 - Opisyal nang idineklara ng city board of canvassers bilang nanalong alkalde ng Maynila sa 2013 elections ang aktor at dating Pangulong Joseph Estrada ngayong araw.

May kabuuang 343, 993 boto ang nakuha ng dating Pangulo at natalo ang re-electionist na si Alfredo Lim na mayroong 308, 544 boto.

Nanalo rin ang running mate ni Estrada na si re-electionist Vice Mayor Isko Moreno laban kay Lou Veloso na running mate naman ni Lim.

Tumanggap si Moreno ng kabuuang 329, 596 boto habang may 196, 967 naman si Veloso.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...