Saturday, May 25th

Last update08:26:53 AM GMT

Tatlong senador ng M5S, pabor sa ius soli




Sina Alessandra Bencini, Manuela Serra at Paola De Pin ay pabor at pumirma sa ddl (disegno di legge) o panukalang batas ni Ignazio Marino na agarang magbibigay ng italian citizenship sa mga anak ng imigrante. Referendum, ang hiling ni Grillo. 

Roma – Mayo 21, 2013 – Higit sa referendum, sa loob ng partido ni Grillo, ay mayroong ilang naniniwala sa reporma ng batas sa pagkamamamayan, na dapat ay isulat at aprubahan sa Parliyamento, sa isang matibay na desisyon ng ius soli. 
 
Sino ang magsasabi  na maaring ang mga ipinahayag ni Grillo noong nakaraang Biyernes sa kanilang blog ay patungkol sa mga Parlamentarians maging sa head ng Kamara na si Roberta Lombardi, bilang paalala, ay nagpahiwatig na pabor sa reporma. Sa katunayan, 3 araw bago ang May 7, tatlong senador ng M5S ang pumirmah sa panukalang batas (ddl) na magbibigay agad ng citizenship sa mga anak ng mga imigrante.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

European fund for Integration: 37 million euros nakalaan sa Italya

Naglaan ang European Union ng sapat na pondo para sa mga proyektong nakalaan sa mga imigrante. Sa lalong madaling panahon ay ilalabas ang anunsyo ng Ministry of Interior.

Roma, Mayo 17, 2013 – Mula sa Italian language course hanggang sa oryentasyon sa trabaho, para sa mga mag-aaral o ang intercultural mediation. Ito ang ilan sa mga halimbawa ng mga proyekto kung saan inilalaan ang halagang 36.956.522 euros para sa Italya ng European Commission para sa 2013 Fund for Integration for third-countrynationals (Fei).

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Batas na magpapatupad ng programang K to 12 ng DepEd, pirmado na

Mayo 16, 2013 - Pinirmahan na ni Pangulong Aquino noong nakaraang Miyerkules ang batas na magdadagdag ng dalawa pang taon sa basic education sa Pilipinas.

Sa ilalim ng Republic Act 10533, maisusulong na ang pagpatutupad ng "K to 12 program" ng gobyerno, na sinimulan na ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan sa buong bansa noong nakaraang akademikong taon.

“Walang duda: ang K to 12 Act ay bunga ng ating patuloy na pagsisikap na itulak ang makabuluhan at positibong reporma hindi lang sa sistemang pang-edukasyon sa ating bansa, kundi maging sa lahat ng sektor ng ating lipunan. Ito’y tagumpay na sumasalamin sa ating nagkakaisang hangarin na mamuhunan sa pinakamahalaga nating yaman—ang mamamayang Pilipino,” ayon sa Pangulo.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

6 na senador, iprinoklama na ng COMELEC

Manila, Mayo 16, 2013 - Ang unang anim na mga senador na nanalo sa 2013 midterm elections ay iprinoklama na ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC).

Ang unang anim ay sina Juan Edgardo "Sonny" Angara (Laban ng Demokratikong Pilipino), Nancy Binay (United Nationalist Alliance), Alan Peter Cayetano (Nacionalista Party), Francis 'Chiz" Escudero (Independent), Loren Legarda (Nationalist People's Alliance), at Grace Poe (Independent).

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Indennità di accompagnamento, kahit sa mayroong permit to stay lang

Ayon sa hukuman ng Milan ay hindi kinakailangan ang pagkakaroon ng carta di soggiorno upang matanggap ang pinansyal na tulong na tinatawag na indennità di accompagnamento o allowance para sa tagapag-alaga ng isang disabled. Ngunit mahalaga, gayunpaman, na ang pananatili sa Italya ay hindi occasional o short-term lamang. Ang tanggapan ng Inps ay hinatulang ibigay ang tulong sa isang disabled Peruvian.

Roma - May 16, 2013 - Hindi kailangan ang pagkakaroon ng carta di soggiorno para sa indennità di accompagnamento o allowance sa tagapag-alaga ng disabled. Maaari ding matanggap ang pinansyal na tulong ng mga foreign disabled nationals na nagtataglay lamang ng isang "normal" na permit to stay.

Ito ay kinumpirma ilang linggo na ang nakalipas ng Labour Court ng Milan, kung saan tinanggap ang apela laban sa INPS ng isang Peruvian citizen sa pamamagitan ng INAS CISL, na naglabas ng naging hatol.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...