Nahuli ang isang organisasyong nagbebenta ng mga application sa regularization na umabot sa halagang apat na milyon.
Patuloy ang paglabas ng mga katiwalian sa regularization, mga kontratang binenta sa napakalaking halaga sa mga estrangherong naghahangad ng permit to stay.
Tinutukan ng grupong ‘Terra Promessa’ ang ‘ modus operandi’ na pinangungunahan ng responsible ng isang sentrong tumutulong sa kalkulasyon ng mga buwis (CAF). Kasamang dinampot ang isang doktor, ang may ari ng agency, ang nag aayos ng mga papeles at isang consultant.
Sa ngayon ay naglahad ng dalampu’t dalawang kaso ang mga awtoridad (13 ang nakakulong, 5 under house arrest , 4 ang dapat mag report sa Caserma). Tatlo pa ang under investigation at 10 naman ang may search warrant.
Ayon sa ulat, ibinenta ang mg aplikasyon lalo na sa mga egyptian at mga chinese, na nagkakahalaga mula 5 hanggang 7 libong euro. Umabot sa isang libong aplikasyon at tinatayang 200 na ang mga aprubadong walang katotohanang ‘kontrata’. Sinasabing aabot ng halos apat na milyong euro ang sumatotal ng lahat.
Ang kaso para sa lahat ay ang pakikipagsabwatan (criminal conspiracy) sa pagpapapasok ng mga clandestines, ang paggawa ng mga pekeng dokumentasyon, ang panloloko sa Gobyerno at ang palsipikasyon ng mga dokumentong kailangan sa pag re regolar ng mga dayuhang care giver at mga kasambahay.
PEKENG REGULARIZATION, patuloy ang panghuhuli sa Roma
Mga Pilipino – ika-anim sa pinaka malaking popolasyon sa Italya
Inilabas kahapon sa Roma, tulad ng mga nakaraang taon, ang ‘Dossier Statistico Immigrazione 2010’ ng Caritas at Migrantes. Ito ay ang pang dalampung edisyon ng nasabing ‘dossier’ na taunang nagbibigay ng opisyal na numero ng mga dayuhang regular at residente sa bansang Italya.
Sa kabuuang tutal na halos limang milyong dayuhang regular sa Italya, ang mg Pilipinong regular naman sa bansa , ayon sa ‘dossier’ ay umaabot ng 123.584 (o 2.9%). Ang Pinoy ang pang anim sa pinaka malaking popolasyon dito sa Italya. Samantalang, nasa 80.890 (o 2,6%) naman ang bilang ng mga Pilipinong kasalukuyang may regular na hanapbuhay. Ika sampung bayang nakatala ang Pilipinas dito.
Nasa region ng Lombardia ang karamihan sa ating mga kababayan, umabot ng 44.400 ang bilang sa kasalukuyan. Samantalang, umabot lamang ng 29.746 ang mga Pilipino nasa Lazio. Sa Emilia Romagna ay may bilang na 11.528 at sa Toscana naman ay may 10.400 Pinoy.

Limang milyon, mga imigratong regular
‘Higit ang kanilang ibinibigay kumpara sa kanilang natatanggap’
Sa kasalukuyan ang mga estrangherong regular dito sa Italya ay tinatayang aabot ng limang milyon, isang yaman na patuloy na itinuturing na isang problema.
Tulad ng mga nakaraang taon, ito ay mula sa ‘Dossier Statistico Immigrazione 2010’ ng Caritas e Migrantes, na inilabas ngayon sa Roma. Ito ay ang pang dalampung edisyon ng nasabing ‘dossier’. Ang Istat, sa umpisa ng taong kasalukuyan ay bumilang ng halos 4.2 milyon na rehistradong residente ngunit ayon sa ‘dossier’ ito ay aabot sa 4,9 milyon kung ibibilang ang mga regular na hindi pa naaprubahan ang aplikasyon bilang residente. Sinasabing may 1 estranghero bawat labindalawang residente.
Umabot sa halos 890 ang bilang ng mga residenteng Romanians. Sila hanggang sa ngayon ang pinakamalaking popolasyon ng imigrato dito sa Italya. Sumunod ang mga Albanians (470mila, 11%), ang mga mula Marocco (430mila, 10,2%), ang mga Instik (190mila, 4,4%), Ukrainiansi (170mila, 4,1%). Ang rehiyon ng Lombardia (982.225, 23,2%), ang may one fifth ng popolasyon ng mga imigrato, sumunod ang Lazio (497.940, 11,8%), Veneto (480.616, 11,3%) at ang Emilia Romagna (461.321, 10,9%).
Nananatili ang numero ng mga minors. Umaabot ng isang milyon ang mga minors at tinatayang halos kalahati ng bilang nito ay mga batang dito ipinanganak sa Italya. Umaabot naman ng 670,000 (7,5 %) ang mga anak ng estranghero na pumapasok sa eskwela. Halos lahat ay humihiling ng pagbabago sa batas ng citizenship.
Halos 10 % ang mga mangagawang estranghero, 3,5 % naman ang nasa iba’t ibang enterprise, bilang na maaari pang umabot ng 7,2 % kung isasama ang sa handicraft. Ang kasalukuyang krisis sa ekonomiya ay nararamdaman na din ng mga estranghero. Mula 67,1 % sa 64,5 % ang bilang ng mga nag katrabaho samantala mula 8,5 % hanggang 11,2 % naman ang bilang ng mga nawalan ng trabaho, mula 2008 hanggang 2009.
Ang mga estranghero ay kaagapay sa produsyon ng Pil sa halos 11,1%, sila nga ba ay maituturing na isang problema o katulong sa pagunlad ng bayan, isang katanungan para sa lahat ng ‘dossier’.
Di kakayanin ng mga Italyano ang magpatuloy kung wala ang mga mangagawang estranghero sa iba’t ibang sektor, lalo na sa mga trabahong di na tanggap ng mga Italyano,. Ang mga ‘contributions’ at mga buwis na binabayaran ng mga estrang heroay umaabot sa 11 billion sa isang taon samantalang umaabot lamang ng 10 billion per annum ang mga serbisyong natatanggap ng mga estranghero.
Ayon sa Transatlantic Trends, sinasabing kalahati ng popolasyon ng North America at Europa, kabilang ang mga Italyano ay nakikita ang imigrasyon bilang isang ‘problema’.Tanong ng ‘dossier’: Dapat bang tingnan sa ganitong paraan ang isang reyalidad na pinapakinabangan?