Saturday, May 19th

Last update09:28:58 AM GMT

Balita

May tapal na packaging tape sa bibig ng Tunisian. Isang foto shock

  • PDF

Ito ay naganap kahapon sa isang flight sa Roma-Tunis: Ayon sa isang saksi: "Pagwawalang-bahala ng mga pasahero, ayon sa kanila ito ay isang normal na operasyon ng pulis"

alt

Roma - Abril 18, 2012 - Plastic ang ginamit upang itali ang mga kamay, packaging tape naman ang idinikit sa bibig upang di makapagsalita. Ito ang naging trato sa dalawang Tunisians na repatriated kahapon ng mga pulis sa flight Roma-Tunis ng Alitalia 9:20 ng umaga.

Sakay kasama ng ibang mga pasahero, ang film maker na si Francesco Sperandeo, na nakunan ang mga kaganapan ng patago. Ang picture ay iisa lamang, di maiwasang magalaw dahil ito ay patagong shot lamang ngunit naglalarawan sa isang taong tumangap ng di makataong pagtrato. At nag-iiwan ng katanungang: bukod sa pagtatanggal ng karapatang manatili sa Italya ay nagtatanggal din ba ng dignidad ng isang tao sa pagpapatalsik buhat sa bansang Italya?

"Ito ang civilization at European democracy. Ngunit ang pinakamalalang bahagi nito ay ang pagwawalang-bahala ng mga pasahero na tila walang nangyari," sabi ni Sperandeo. Walang kabulihan ang kanyang mga protests sa mga bantay ng dalawang Tunisians: "Ako ay binalaang bumalik sa aking upuan dahil ito ay isang normal na operasyon ng pulis ..."

Ang "normal" na pagtatapal ng packaging tape sa bibig ng isang migranteng pinatalsik ay isang bagay na dapat linawin ng Ministry of Interior.

 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Last Updated on Wednesday, 18 April 2012 15:50

Beauty contest repeater, bagong title holder ng Bb. Pilipinas 2012

  • PDF

Beauty contest repeaters ang karamihan sa mga itinanghal sa ginanap na Bb. Pilipinas 2012 sa Araneta Coliseum noong nakaraang Linggo.

altRome, Abril 17, 2012 - Ginanap ang Bb. Pilipinas 2012 sa Araneta Coliseum noong Linggo nang gabi.

Tinanghal na Bb. Pilipinas-Universe 2012 title-holder si Janine Tugonon, isang beauty contest repeater na nanalo na bilang 1st runner up sa Bb. Pilipinas noong 2011. Samantala, ang Bb. Pilipinas-International na si Nicole Schmitz naman ay dating Finalist sa 2007 Bb. Pilipinas.

First runner-up si Elaine Kay Moll na semi-inalist sa 2011 Miss World Philippines at 2nd runner up si Annalie Forbes na posibleng sumali uli sa susunod na taon dahil baka sakali na makakuha na siya ng beauty title, gaya nina Janine at Nicole.

Si Katrina Dimara­nan naman ang Bb. Pilipinas-Tourism winner.

Sina Richard Gomez, Phil Younghusband at Lara Quigaman ang mga celebrity judge sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2012 sa Big Dome.

Samantala sina Iza Calzado at Xian Lim ang main hosts at co-anchors naman sina Venus Raj at Georgina Wilson.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

IMU, ang buwis sa bahay, babayaran ng installment

  • PDF

Sa Hunyo, Setyembre at Disyembre, ang tax deduction ay gagawin lamang ng isang beses bawat pamilya. Narito kung paano ito kinakalkula.

altRoma - Abril 17, 2011 - Salamat sa isang susog ng Chamber of Deputies, ang epekto sa mga pamilya ng 'Municipal Tax on Real Estate (IMU) ay bahagyang gumaan.

Para sa mga unang bahay, ang bagong buwis ngayong taong ito ay babayaran ng  installments, ang una sa buwan Hunyo, Setyembre at ang ikatlong ay sa Disyembre.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Last Updated on Tuesday, 17 April 2012 09:22

Read more...

100,000 Pinoy, mabibigyan ng trabaho

  • PDF

Tinatayang makakapagbigay ng trabaho sa mga naghahanap nito sa loob at labas ng bansa ang Job Fair buhat sa DOLE.

altRome, Abril 16, 2012 - Isang daang libong mga Pinoy na gustong magtrabaho sa labas at loob ng bansa ang maaaring mabigyan ng trabaho sa gaganaping Job and Livelihood Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE), para sa mga manggagawa sa pagdiriwang ng Labor Day sa Mayo 1.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Last Updated on Monday, 16 April 2012 11:58

Read more...

April 30, deadline of submission ng Start it up

  • PDF

Ang layunin ng inisyatiba ‘Start it up’ ay upang magbigay ng mga pangunahing kaalaman para sa start-up ng isang negosyo at ng self employment sa pamamagitan ng isang structured orientation, information  at formation.

altRoma, Abril 16, 2012 - Dalawang linggo na lamang ang nalalabi sa pagsasara ng announcement ng isang public competition na tinawag na ‘Start it up’, isang proyekto ng Unioncamere at pinondohan ng Ministry of Labor at Welfare, para sa lungsod ng Roma at sa mga probinsya nito, sa pakikipagtulungan ng Camera di Commercio della Capitale sa pamamagitan ng Asset Camera, ang espesyal na ahensya nito.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...