Selection ng 1411 volunteers ng Servizio Civile, sinimulan na! - Ako Ay Filipino

Migrasyon

Dalawang bagong public announcement ang inilathala kamakailan ng gobyerno para sa selection ng 1411 volunteers ng Servizio Civile. 

 

Dalawang bagong bando o public announcement for selection ang inilathala kamakailan ng gobyerno ang nagbibigay ng posibilidad sa 1411 volunteers, ayon sa Department of Youth and Civil Service. 

Ang bagong selection ay nakalaan sa mga may edad mula 18 hanggang 29  anyos na mag-aaral o part-time worker. Ang parehong ‘bando’ ay mangangailangan ng 25 oras kada lingo at nakalaang magbigay hanggang € 433,00 na allowance pati ang kontribusyon. 

Ang unang bando o selection ay nakalaan sa 860 volunteers para sa mga proyekto sa loob ng bansa. Kabilang dito ang:

  • 757 accompagnamento dei grandi invalidi e ciechi civili;
  • 52 para sa mga proyekto sa Campania Region;
  • 51  para sa mga proyekto sa Sardenian Region.

Narito ang bando

Ang ikalawa ay para sa selection ng 551 volunteers para iba’t ibang proyekto kung saan:

  • 490 ay sa loob ng bansa;
  • 61 naman sa labas ng Italya 

Narito ang bando

Salamat sa pagsusumikap ng gobyerno at nailathala ang dalawang ‘bandi’ kung saan 1411 mga volunteers ang kakailanganin”, ayon kay Undersecretary Luigi Bobba. 

Ito umano ay patunay lamang na ang Servizio Civie Nazionale ay maingat at laging nakatuon ang atensyon sa mga kategoryang nabanggit at hindi pinababayaan ang Rehiyon na pinatutunayan ng mga proyektong nakaan (52) sa Campania at (51) sa Sardegna. 

Bukod dito, ang bando per stranieri, dagdag pa ni Bobba, ay magbibigay rin ng posibilidad sa karagdagang 3 libong mga kabataan na refugees. “Ito ay inilaan mismo ng Ministry of Interior at pinondohan ng European Union at magsisimula sa 2018”.  

Ang mga nais lumahok ay maaaring magsumite ng aplikasyon hanggang alas 2 ng hapon ng November 20, 2018

Para sa karagdagang impormasyon at detalye sa pagsusumite ng aplikasyon, magtungo lamang sa website gioventuserviziocivilenazionale.gov.it