Bagong voucher ng Inps sa domestic job, narito ang nilalaman - Ako Ay Filipino

29
Thu, Jun

Migrasyon

Libretto Famiglia, ito ang tawag sa bagong simplified online contract ng Inps sa domestic job na nilalaman ng Manovra 2017. Habang hinihintay na ganap na maaprubahan ito, narito ang mga inaasahang pagbabago. 

 

Hunyo 1, 2017 - Ang bagong vouchers na inilahad ng gobyerno sa pamamagitan ng susog sa Manovra 2017 ay magpapahintulot sa mga colf at babysitters na makatanggap ng ‘buoni lavoro’ na nagkakahalaga ng 10 euro net bilang kapalit ng dating vouchers.

Ito ay tumutukoy sa Libretto Famiglia na bawat employer ay kailanganag bilhin ng esklusibo sa Inps matapos ganap na tanggalin ang mga vouchers na nabibili sa mga tabacchi, postal office at mga bangko. Ito ay inaasahang magbibigay solusyon ng lavoro nero o irregularities sa domestic jobs. 

Ang bagong voucher, na nanganganib na maging sanhi ng mainit na diskusyon sa pagitan ng pamahalaan at ng majority, ay itinatalagang bagong uri ng pagbabayad sa mga colf at babysitters, ang kategoryang higit na makikinabang ng bagong sistema dahil naging higit na apektado sa pagtatanggal ng vouchers na naging sistema na sa pagtanggap ng sahod para sa karamihan. 

Bagaman umani ng mga protesta ang Libretto Famiglia, ito ay nananatili pa ring isang magandang balita para sa ilang kategorya partikular sa domestic job kung saan ang ilang mga employer ay nangangailangan ng alternatiba dahil nahihirapan o nabibigatan sa pagkakaroon ng regular na employment contract. 

Ang mga pagbabagong napapaloob sa bagong vocuhers

Ang mga colf, babysitters at caregivers ay maaaring magkaroon ng simplified online contract sa pamamagitan ng Inps na magpapahintulot sa pagtanggap ng 10 euros net kada oras bukod pa sa higit na karapatan. 

Ang mga workers ay babayaran sa pamamagitan ng bagong vouchers Inps at sakop nito maging social security at insurance. Ang mga employers, para sa bawat single voucher ay magbabayad ng 12 euros. Bukod sa 10 euros na ibabayad sa serbisyo ng colf kada oras ay may karagdagang 2 euros para sa contributi Inps at Inail sa kaso ng anumang aksidente sa trabaho. 

Bukod dito ay napapaloob rin sa simplified contract ang higit na karapatan para sa mga colf. Nasasaad dito ang riposi giornalieri e mensili. Gayunpaman, nananatili ang maximum amount yearly nito at sa loob ng isang taon ay hindi maaaring tumanggap ng higit sa 5000 euros at higit ng 2500 euro sa iisang employer. 

Samantala, ang mga employers  ay maaaring magkaroon ng Libretto Famiglia sa pamamagitan lamang ng website ng Inps at maaaring sa tulong ng mga patronato. 

Ito ay tila isang pre-paid card na nagtataglay ng mga buoni lavoro na magagamit sa tuwing mangangailangan ng occasional job. 

May obligasyon rin ang employer na ipadala online sa Inps, sa panahong itatakda, ang mga personal datas ng worker, ang oras ng trabaho, ang lugar kung saan magaganap ang occasional job. 

Ang sahod ay ibibigay naman mismo ng Inps gamit ang pre-paid card. 

Gayunpaman, kailangan pa ring hintayin na ganap na maaprubahan ang Manovra 2017 na inaasahan sa lalong madaling panahon.