85,000 signatures, layong baguhin ang Batas ng Imigrasyon - Ako Ay Filipino

Migrasyon

Ang kampanyang “Ero straniero, l’umanità che fa bene” at ang 85,000 signatures nito ay may layuning baguhin ang batas ng imigrasyon at tanggalin ang Bossi-Fini law.

 

Isinumite kamakailan ng mga promoters ng kampanyang “Ero straniero, l’umanità che fa bene” ang 85,000 signatures sa House of Representatives upang baguhin ang batas ng imigrasyon, kasama ang pagtatanggal sa kilalang Bossi-Fini law. 

Ang pangangalap ng pirma ay sinimulan noong Abril 2017 at makalipas ang anim na buwan, ang layuning magkaroon ng 50,000 pirmang kinakailangan sa pagsusumite ng panukalang batas ng citizen’s iniziative ay nahinigitan pa at umabot sa 85,000. 

Nanguna ang mga lungsod ng Roma at Milan kung saan nakalap ang nakakaraming pirma, mga pangunahing lugar kung saan malaki ang populasyon ng mga imigrante, ayon sa Dossier statistic immigrazione 2017.

Nasasaad sa panukalang inihain sa parliyamento ang mga sumusunod:

  • Pagtatanggal sa crime of clandestine immigration;
  • Pagbabalik sa sponsorship system na magpapahintulot sa mga dayhan ang makarating sa Italya sa pamamagitan ng entry visa na unang ipinatupad sa Turco Napolitano law;
  • pagkakaroon ng temporary permit to stay, balido ng 12 buwan para sa paghahanap ng trabaho at maging mas madali ang worker-employer encounter at commercial mediation sa pagitan ng offer at demand tulad ng nasasaad sa Biagi law at Jobs Act (employment center, pribadong ahensya para sa trabaho, bilateral agency, mga unibersidad, at iba pa;
  • Regularization batay sa indibidwal na sitwasyon ng mga undocumented, kung mapapatunayan ang pagkakaroon ng trabaho sa Italya o ang pagkakaroon ng malalim na relasyon sa bansa at kawalan naman sa sariling bansa tulad sa Spain at Germany. Ang ganitong uri ng dokumento, permit to stay proven integration ay renewable kahit sa kasong mawalan ng trabaho tulad ng permesso attsa occupazione. 
  • Posibilidad ng conversion ng permit to stay for asylum seeker sa permit to stay for proven integration kahit sa kasong rejected ito ngunit nagkaroon naman ng malalim na integrasyon;
  • Pagkakaroon ng bagong standard sa pagkilala sa professional qualification;
  • Mapakinabangan ang social security;
  • Pantay na pagbibigay ng social services at masigurado ang karapatan sa kalusugan.

Ang mga nabanggit ay layong mapalitan ang sistema ng pagpasok at paraan ng regularization ng mga dayuhan sa bansa.

Ang citizens’ initiative ay pinangunahan ng Radicali Italiani, Casa della Carità, Acli, Arci, Asgi, Centro Astalli, Cnca,Cild, A buon diritto at suportado ng malalaking organisasyon tulad ng Fondazione Migrantes, Caritas Italiana, Cgil, Altromercato, Federazione chiese evangeliche italiane, Emergency.

Bukod dito, binigyang-diin ng mga promoters ang kawalan ng kakayahan ng Italya sa imigrasyon na nagtutulak sa mga migrante na tahakin at makipagsapalaran sa mapanganib na biyahe papuntang Italya dahil sa kawalan ng legal na paraan ng pagpasok sa bansa. Kinondana rin ng mga promoters ang kawalan ng angkop na batas na nagiging sanhi ng illegalities.