Ora legale, magbabalik sa March 26 - Ako Ay Filipino

24
Wed, May

Italya

Nalalapit na ang pinakahihintay ng marami, ang pagdating ng magandang panahon, kasabay ng pagkakaroon ng mas mahabang araw at samakatwid
ang pagbabalik ng ora legale.

 

Marso 14, 2017 - Muling nagbabalik ang ora legale sa pagitan ng hatinggabi ng Sabato, March 25 at madaling araw ng Linggo, March 26, ang weekend matapos ang pagpasok ng Spring o Primavera ng March 20, kung kailan iuusad ang mga orasan paabante ng animnapung (60) minuto o isang (1) oras, mula alas dos sa alas tres.

Paalala, ito ay nangangahulugan na ang pagtulog ng lahat ay mababawasan ng isang oras.

Ang ora solare ay muling magbabalik sa pagitan ng hatinggabi ng October 28 at 29 2017 kung kailan ibabalik ang mga orasan paatras ng isang oras.